Sunday, April 3

giving in.

hello mga friends!

dahil nagpapanic na ako at tila yata walang humpay ang pagsalanta ng katamaran at katigangan ng utak ko para makapagsulat dito ulit, ay ninais kong maging isang conformist at makigaya na din sa kung ano ang trending ngayon: ang 50 things about me shietz. normally, busy akong tao at ayokong aksayahin ang pawis, oras, at panahon ko para magsulat ng kung anu-anung mga random shitness about me -- kasi sa totoo lang, feeling ko naman, ay walang magbabasa.

char lang!

para lang basahin nyo to lahat, at maapreciate nyo din ang effort ko. mahirap din kayang magsulat ng singkwentang bagay na pumapatungkol sayo. kaya dahil dito, ay gagawin kong installment basis ang random things na meme ko. parang pahulugan lang sa mamang bombay na nagpapautang. hihihi.

here goes (excited much?!):

1, pangatlo akong anak sa anim na magkakapatid. limang lalake, isang babae. madalas akong hindi napagkakamalang kapatid ng mga kapatid ko, kasi dambuhala sila sa laki. JOOKE. sana wala pa sa kanila ang nakapagbasa ng blog ko. hihihi. actually, totoo. sabi nila ako daw ang pinakaiba ang itsura, at ahem, pinakagoodlooking. JOOOKE ulit. hihihi. sarap ng may blog!

2, political science ang kurso ko sa college. pero umabot ako ng walong taon sa kakaaral. kasi palipat-lipat ako ng school, tamad ang mga guro ko, at lasenggo ang unang unibersidad na pinasukan ko. ayknowrayt.

3, accountants ang magulang ko. educators din sila pareho. kakaretire lang ng nanay ko from being a college dean, pero nagtuturo pa din siya. si erpat naman ay nagmomoonlight bilang isang guro, pero isang self-made businessman na siya ngayon. pressure pressure!

4, isang beses ko lang naranasan lumayas sa bahay. kasagsagan ito ng aking beer days noong 2008, napuno ang tatay ko at sinabihan ako na walang values. binigyan nya ako ng taning (one week from the written and verbal warning), at ng dahil dun ay napadpad ako sa cebu ng mag-isa ko. walang pera, walang bahay na matutuluyan, at walang direksyon ang buhay. ayokong ayoko na maulit yun.

5, mahilig akong kumanta. as in, pramis. sa selpown ko dati, meron akong 3-part message na nakasave sa drafts. kanta lahat. pati yung song number, andun din. at yung lebel ng kaadikan ko ay yung tipong nagbibidyoke kami ng alas dyes ng gabi, tapos aalis ng alas dose ng tanghali the next day. ganung kaadik. as a matter of fact, kinarir ko ang hidden talent ko na yan, dahil sa number

6, sumali ako dati sa isang reality singing tv show sa gma. pakapalan na ng mukha ito! pero di-nare kasi ako ng mga blockmates ko. in the fair, positive naman ang outcome. may talento naman din daw ako, at maaaring ipackage as a matinee idol. naging happy ako for one slight second. ngunit, subalit, datapwat, tinigil ko na ang pag-iilusyon ko ng may kapaan at dakmaan nang naganap. hindi kinaya ng catholic upbringing ko ang mga ganyang mga immoral practices.

7, mahilig akong magsulat. (sabay-sabay: DUH). pero alam kong hindi ako writer -- i just happen to know how to write. may malaking distinction ang dalawa for me. so far, may mga achievements din naman ako sa pagsusulat. katulad ng pagkapublish sa youngblood ng inquirer, pagiging writer para sa isang documentary na ipinalabas sa lakbay tv, at pagsusulat para sa local na dyaryo dito sa aming maleet na probensya.

8, ay oo nga pala, pumasa ako ng upcat. nag diliman ako ng apat na taon, pero dahil sa likas na mentally-challenged (parang abnormal lang) talaga ako sa math, ay hindi ko tinapos doon ang college degree ko. parang timang lang, kasi anim na subjects na lang ang naiwan ko dun. math 17, apat na econ, math 100, tapos thesis. hindi sana ako lilipat ng school, kaso umiyak ang nanay ko. kaya with a heavy heart, i had to leave oble and transfer to silliman.

9, ako pala ay isang manic depressive. hihihi. nakuha ko ang sakit na to sa peyups. kahit na mas madalas ang aking mga depressive episodes, ay feeling ng madaming tao na isa akong malaking manic machine. hindi din. dinadaan ko nalang ang pag emote ko sa pagsusulat. nakakapagod kasing maghanap ng emo din these days eh.

10, nung nasa college pa pala ako, mahilig din akong makiepal sa mga debate debate shitz na yan. as a matter of fack, nagrepresent ako ng school ko ng ilang beses sa anc, at sa tulong ni lord (at isang milyong text votes pram da parentals) ay nanalo naman akong texter's choice sa quarterfinals. (katabi ko pala si phem baranda nun sa dressing room. mukha naman siyang down-to-earth. at si karen davila, naki-CR pa sa room namin. IKR.)

11, escapist akong tao. at ang madalas na mode of escapism na ginagamit ko ay ang, tan tararan taran, alak! lahat yata ng klase ng alak ay kaya kong tunggain. red horse, tanduay rhum, san mig light, pale pilsen, gps, tanduay ice, kahit tuba. alam nyo ba yun? yung inuming ilang weeks before ang fermentation bago siya maging vinegar? yesssh yun! at pag lasing naman ako,

12, madalas akong nawawala sa aking sarili. pinakaworse ko yatang nagawa ay natulog sa quezon circle isang gabi. gawa ng matinding kalasingan at pagkapunyeta ng atm ng bpi, ay nagawa kong maging isang homeless being for one night. pagkagising ko the next day, buo pa naman ang pagkatao ko at kumpleto pa naman ang 16 pesos ko na hindi kasyang pamasahe papuntang shaw boulevard.

13, nung bata daw ako, sabi ko sa nanay ko na gusto kong maging pari. nung tinanong nya ako kung bakit, sabi ko daw, dahil madaming pera ang pari. hindi lang pera, kasi meron ding sardinas, wine, at kung anu-ano pang shit. pero nung nakita ko daw na kalbo ang parish priest namin that time, nag back pedal daw ako, kasi ayokong maging kalbo katulad nya.

14, nung bata din ako, akala ko lahat ng magkakapareho ng trabaho ay magkakaibigan. kaya gusto kong maging traysikel driver. sa isip isip ko, parang ang saya lang ng christmas party kasi ang dami dami nilang magkakaofficemates. ang saya saya siguro ng kris kringle at exchange gift nila.

15, epal ako nung elementary hanggang hayskul. president ako from grade one hanggang sa fourth year hayskul. student body president din ako ng elementary at hayskul. isang beses lang akong naimpeach, sa first year hayskul ito. kasi yung letcheng kaklase ko, nagprotesta. hindi daw ako magiting na cleaner, at madumi ang ilalim ng chair ko. nagtawag ng vote of no confidence si pota, at nanaig ang mutiny. friendship over.

16, sobra, as in sobra, as in sobrang adik ako sa series na f.r.i.e.n.d.s. to the point na kumpleto yung computer ko dati ng lahat ng episodes nila. pati na rin mga interviews. memorise ko actually lahat ng episodes (dati itu), at mga linya nilang lahat. pag kasama ko ang mga kaibigan ko habang nanunuod kami nyan (at nidedeliver ko ang lines before pa man sinasabi ang mga ito), ang sama sama ng tingin nila sa akin. judgmental much kasi sila.

17, mahilig akong manuod ng mga magagandang pelikula. ayoko ng mga commercialized hollywood shitzus. paborito kong mga pelikula ay ang hero, malena, crouching tiger, at madaming madami pang iba. paborito ko si zhang yimou sa international, at si lino brocka naman sa lokal.

18, minsan na akong napasama sa raid dati sa shaw boulevard. as usual, naghahanap ako ng porno, and i was taking my time while doing it. parang nangshashaping lang ng kamatis at okra. nagulat nalang ako at may komosyon. nandun na pala ang mga reporters, mga pulis, at ang ahensyang responsable sa pagcoconfiscate sa mga piratang goods na yan. sumama ako sa mga madlang people at sa stampede na naganap.

19, madalas akong napagkakamalang bumbay. isang beses nga, may isang ale na kinausap ako ng hindi ko maintindihan kung alien speak ba, o na 'victim' ako nuon. oo, yung ripoff ng punkd na si carlos agassi ang host. as it turns out, sri lankan national pala si ate, at akala nya ay magkalahi kami. amsureh.

20, ngayong taong ito ay papasok ako sa pag-aabugasiya. sana makayanan ko to. at ng lustay na lustay na katawang lupa ko.

21, kung hindi ako nagpursue ng law, sana ay isa na akong ef ei ngayon. alam kong (relatively ay) mababaw na trabaho, pero malaki ang sahod at madaming opportunities for travelling. unang try ko sa pal, natanggap naman ako. kaso hindi pumayag nanay ko kasi hindi pa ako graduate non. pangalawang try ko, sa emirates naman. naging masaklap dahil ako nalang ang last man standing sa mga lalake, pero nag freeze hire din sila after ng final interview namen. at pangatlong application ko, natanggap na ako sa qatar air, kaso meron akong congenital heart problem na kung sa tagalog ay tinatawag na letche, otherwise known as malas. bagsak sa medicals. kaya balik ulit sa number 11. joke!

22, meron akong random social anxiety attacks. di ko alam kung bakit, pero bigla nalang akong nagpapanic during certain situations.

23, ay nakalimutan ko pala. nung final interview ko sa qatar, hindi naniwala ang recruiter na pinoy ako. naglipana daw kasi sa qatar ang mga ka lahi ko. magiting ko naman siyang sinagot na: 'proudly conceptualized, born, and bred po ako sa lower camanjac, dumaguete city, negros oriental.' proud negrense itu!

24, i hope to snap out of this writing drought soon, kasi nakakafrustrate ang hindi pagsusulat dito. madami naman akong kwento. pero nagpapanic ako everytime i attempt to write. hindi naman ako adik. five times a week lang naman akong lasing. i dunno what's wrong. char.

25, insomniac ako. kaya ako nagsusulat ngayon, ay dahil hindi pa ako dinadalaw ng antok. nagawa ko na lahat para antukin, all to no avail. lahat, as in lahat na. nakaubos na nga ako ng isang karton ng fresh milk, pero wafas pa din. suggestions, anyone?


yan muna ang kaya ng powers ko. sana matapos ko itong meme na to soon. nakakapikon kasi ang katamaran at ang kawalan ng gana na magsulat. universe, i need your awesomeness right now, es ow es!

21 comments:

Spiral Prince said...

May utang kapang 25 more, plus 10% interest, good for 6 months. :))

Kakaiba ang 14 ha!

claudiopoi said...

aguy. ichannel mo kasi sa akin ang likas mong kasipagan, kaloy! 50 na yung nagawa mo, dadagdagan mo pa ng 50! grabe ka!

Nimmy said...

wala bang youtube video ang showbiz stint mo kuya? hihi

wow! Law! astig! good luck kuya! ;)

Raymond said...

hahaha! tawa na rin ako sa no.14.lol

Arvin said...

Hello! For some reason i stumbled upon your blog ngayong kakagising ko lang :) saan ka magla-law? Good luck!

Unknown said...

Giving in... to the trend. hahaha.

First time ko dito sa blog mo, pero pwedeng magcomment/okray?

1. pinakaiba ang itsura? baka ampon ka lang. haha

5. pareho tayo, mahilig kumanta. Ako sa banyo. looking forward to one of your recordings to bw posted here.

6. Bakit may kapaan? joke ba to? hahah. Kakanta ka tapos kakapain ka?

7. wushu, hindi writer, eh ano yung achievements mo?

8. Natatawa ako lagi sa ganito? bakit laging may fact regarding UPCAT if nakapasa or not? hahah. Pwede namang AMA or STI.

11. kawawa naman atay mo kapag gusto mong tumakas sa realidad. haha.

12. buti hindi ka napagkamalang for pick-up.

15. Bibong bata!

18. Wahahaha, parang nagshoshopping ng kamatis at okra. Buti hindi parang talong ang itlog!

19. apir tayo dyan! mabuhay ang mga mukhang bumbay daw. lols

25 to go! Burahin na lang if may hindi gusto sa comment ko. wahaha

claudiopoi said...

nimmy, nabuhay ka kuya! hehe :) wala naman. meron dati sa phone ko, pero nibura ko. kasi gusto ko maging low key eh. chos. hehe :)

arjay, ayknowrayt? hehe. actually, madami pa akong mga iniisip na mga bagay bagay nung bata ako. pero absurd at morbid daw lahat, sabi ng nanay ko. :)

arvin, wow. salamat naman at napadaan ka sa blog ko! :D baka sa cebu ako magla-law. sa san carlos, pag walang hitches na magaganap. nasa law skool ka din ba? :)

claudiopoi said...

xall, napressure naman daw akong sagurin ang mga komentaryo mo. pero sige na nga, bilang tayo ay twitter buddies!

1. hindi din. baka silang lima ang ampon. wahaha

5. hinding-hindi ko gagawin yan. no offense para sa mga gumagawa, pero parang masisira ang puri ko pag ginawa ko yan. dapat may element of surprise pa din. :P

7. totoo. may nangapa na taga istasyon. lol. pero ayoko ng ielaborate, kasi past is past na!

8. actually, di ko din alam. silang lahat kasi, sinama ang UP sa mga sinagutan nila. conformist nga kuya, diba? hehe

11. actually, gulat nga ako sa kanya at may resistensya builders pa sya. pero i plan to stop when i start law-ing na. sana!

12. hindi din. takot lang nila sa bumbay na to! hihi

15. naman!

18. hmm. okay. haha. nawalan ako ng comeback dun. ill be back with a comment. i promise!

19. talaga? anung nationality mo daw? sana hindi naman sri lanka. magkababayan kasi tayo, if evar. haha

25. okay lang! at salamat sa pag aksaya mo ng panahon sa mumunti kong bahay dito.

see you sa twitter!

Mugen said...

Kaya pala magkasundo kayo ni Carlo Lopez eh, pareho kayong tomador. Wahahaha!

Thanks thanks! Marami kaming nalaman tungkol sa iyo.

gillboard said...

grabe naman yung number 6. reveal kung reveal.

anyway, may isa pa tayo common friends na nameet mo nung nag-apply ka FA. hehe

nice getting to know you better.

Eternal Wanderer... said...

i should've taken math 100 instead of the 50's series.

though those classes were fun! teehee

Andy said...

naks naman! ikaw na ang pinaka-good looking! ikaw na! hahaha!

Kapitan Potpot said...

Dahil jan! Mag record ka na din ng kanta! Ang daming singers sa blogspace! Hehe!

Very trivial, pero tawang tawa ako sa number 2. Looking forward for the next 25. =)

claudiopoi said...

mugen, wag mo naman akong ikumpara ako dun. may pag asa pa ako. haha. JOKE lang pareng carlo! sana mag inuman na talaga tayo! :|

gillboard, syempre ni-efbi ko kaagad. si an oribe?? haha :) bakit kayo friends? nagkasabay yata kami sa assessment day nyan. :)

eternal wanderer, ikaw na ang magaling sa math! hmm. eng ka siguro noh? :)

andy, may qualifier ang claim na yan. kasi di ba, may relative standard naman based sa brood? haha :))

louie, ay hindi trivial ang number two. profound yan! hehe :D ill try to come up with the next 25 though.

salamat sa lahat ng comments! :)

Peter said...

Teka, bakit walang love-life? Sana nagkita tayo sa Diliman. Could have tutored you sa Calculus.

claudiopoi said...

peter, actually, inevade ko nga ang topic na yan. haha. grabe, napansin mo kaagad sir.

anyway, okay naman na sana. kaso lang my brain just shut down pagdating sa math. i dropped my math 17 in first year, tapos took all the GEs and majors, and tried taking up 17 on my fourth year na.

kaya parang instinctive rejection ang nagaganap pag may math ako nung naging upper class ako. sayang nga eh.

hmm. regarding the calculus tutorial offer, baka naman magkalayo tayo ng student number. :)

Anonymous said...

pano pagyung kaso na hinawakan mo eh about math problems like utang2.. hehehe.. pano nalang pagsinabi ng kalaban mong sige nga icalculate mo nga ang shits nito... o diba... hehehehe

Carlo said...

friend.. dapat lang talaga tayong mag inuman na. dahil:
1. pareho tayong alcoholic. wag mong itanggi yan lol

2. depression kemeru

3. random anxiety attacks. sabay tayong atakihin sa gitna ng daan haha!

di ko lang kinaya ang pakiki-silong mo sa atm booth at ang christmas party ng mga trike drivers. ibang level ang fetish mo friend haha! amishue pare. hahaha

claudiopoi said...

kiko, honga noh! ill try to stay clear of those cases nalang. char! sana hindi naman ako ganung ka bobo diba? haha :D

carlo, at least hindi ako nag iinom ng mag isa! at least, hindi pa. char. hahaha! ang pangit naman. sabay tayong magdedepression, tapos aatakihin sa gitna ng daan. may sayad much? haha!

amishoo too, pare! ihanda mo ang liver mo pagdating ko jan! dahil bibili ka ng bago matapos nating gumapang sa lusak ng dahil sa kalasingan! haha :) be well, friend.

Sean said...

saan yang may naghihipo? makapag-audition nga. joke! sample naman ng golden voice.

claudiopoi said...

hi sean! hehe. mamaya na pag tinubuan na ako ng kapal sa mukha. haha. :) sa personal nalang. baka tahakin ko pa ang landas ni rebecka black kasi pag nagkataon. haha :D