hello mga ka freshness!
ang tagal ko ng di nagpost dito. kasi naman, nonstop eating ang nagaganap sa bahay namin.
limang araw na akong lumalamon, natutulog, jumejebs, at kumakain ulit. from the masasaganang fruits like mango, papaya, banana, and pineapple, to artery-blockers like lechon, lumpia, crispy pata, and other high blood inducers.
nung isang araw nga, sinita na ako ng mudrax ko, dahil panay daw ang kain ko ng pansit. kasi daw dalawang araw na yung panis. sorry naman, kayo kaya ang gutom?
kapagka hindi naman kumakain, ay nakahilata lang ako sa sala, nanunuod ng kung anu-anung mga shit shit na movie, at syempre pa, kasama ang aking mga band of brothers and parental guidance. hangsaaaaarap lang pag araw-araw ang pasko at sana wala nang mga inaanak hihi .
kahit na katropa ako ng mga SMP ngayong paskong to, ay wala akong pakialam. kasi masaya naman ako sa piling ng pamilya ko. kornee kung sa kornee pakinggan, pero na-miss ko din kasi ang ganito. nung isang taon kasi, mag-isa lang akong nagcelebrate ng krismas sa cebu. walang excitement factor pag nag exchange gift ka na mag-isa ka lang, at lalong ang hirap mag family picture pag ikaw lang ang nasa hapag kainan.
kaya ngayong taon na to, minabuti ko talagang makipag-lablab sa mga magulang at kapatid ko. bihira nalang din kasi kaming mag get together, lalo na ngayong malalaki na kami. at, in the fair, ay naging masaya naman mga naging pasko ko growing up.
yung tipong, manghang-mangha ako kai santa claus dati. pwera nalang nung nahuli ko ang tatay ko na naglalagay ng mga anik-anik sa medyas ko ng biglang nagising ako ng madaling araw. nung nakita ko siya, kumaripas siya ng takbo sa CR at nagkulong dun. syempre bilang naiihi ako, inantay ko talagang lumabas siya. but no. pinandigan nyang kathang isip lamang na nakita ko siya. so after 3 hours, natulog nalang ako ulit, kahit na pumuputok na ang pantog ko. di bale ng magka UTI ang anak nya, basta lang hindi ko malaman ang kanyang deep, red secret.
nung grade three din yata ako nun, meron din akong di malilimutan na krismas experience. pumunta kaming apat na magkakapatid, kasama si erpat, sa tyangge, para bumili ng mga pork cuts etshitera. bilang antukin akong bata, natulog lang ako sa jeep namin pagdating dun.
pagkagising ko, hysterikal na ang sangkatauhan. umiiyak ang dalawa kong kuya, at umuusok ang tenga ng erpat ko sa galit.
'mga putang ina, anung kaguluhan ito? natutulog ang tao eh!' sambit ko. pero sa utak ko lang. kasi baka mahambalos na naman ako.
'nawawala ang kapatid mong babae. ang tatanga nyo kasing mga kuya!' galit na sagot ni erpatsu.
'ah okay. goodnight ulit. goodluck sa inyo!' joke!
syempre, nawala ako sa dreamland at tinulungan kong hanapin ang nakababata kong kapatid na biglang naging lost sa tyangge. sinuyod namin ang kahabaan at kalaliman ng dumaguete public market. at habang naghahanap kami, hindi tumigil sa paghagulhol ang dalawa kong mga kapatid.
ako naman, relaks lang. syempre, nung mga panahung yun, buhay pa naman si inday badiday. pwedeng manawagan ang kapatid ko sa eye to eye. and if push comes to the wall, pwede din sa show ni rosa rosal na damayan, dahil hindi pa siya red cross chairperson nun, at madaming madami pa siyang dugo nung panahung yun.
muntik na kaming mag give up at umuwi nalang sa bahay na one child less ng biglang may nakita kaming batang nakaupo lang sa isang sulok sa wet market. doon mismo sa kung saan binubutcher ang mga baboy at kung anu-anu pang mga karne shit. nakatanga lang siya dun habang pinagmamasdan kung pano imassacre ang baboy at gawing 1,000 small pieces.
andun lang pala siya all the while.
tumatakbong luhaan papunta sa kanya ang mga kapatid ko. niyakap siya ng mahigpit, yung tipong hindi na siya makahinga. kasi pala may halong poot ang pagkakayakap na yun. hahaha.
kaya ayun, umuwi na kami, at namangha sa mistulang krismas miracle na naganap.
happy holidays everyone, and i hope all of you had the best time last christmas!
22 comments:
Wahahaha, hangkulit ng tatay mo, todo career sa pagiging Santa Clause.
Merry Christmas ulit and a Happy New Year sa yo!!!
Merry Christmas Claudiopoi! Natawa ako sa Tatay mo. Hindi talaga siya lumabas ng banyo ng tatlong oras? Ampf!
happy holidays din! Ang cute naman ng "open mouth" pose! haha
will and gas dude: ai oo. ganun talaga nyang ininternalize ang role nya bilang santa claus. hehe. happy new year in advance friends!
iurico: haha. char lang yan. yan na ang pinakasuccessful kong attempt para ihide ang fes ko. hehe. happy holidays and enjoy manila!
at talagang pinagmamasdan niyang katayin yung mga baboy? ang morbid! lol
eh kabilang pala etong si claudio sa SMP. apir!
caloy: haha. morbid ba? di na namin napansin yun, kasi abot hanggang langit ang kasiyahan namin ng makita siya katabi ng mga pigs. lol
carlo: apir! :) masaya naman ang SMP eh. yun nga lang, dapat controlled dapat ang food intake, at baka maging forever na myembro ng SMP! JOOOOOOOWK! :)
hahaha long time no post chong... pero naman di nakakasawa... wahehhe... ang sarap ng may tatay na funny ano...w ahehehe
in a way, naapektuhan ako sa nawawalang kapatid. hehehe
happy holidays, claudio
Kalokah, kung ang kapatid ay nawawala, ang tatay naman ay nagtatago. it runs in the family pala.
Merry Christmas
kikomaxxx, honga eh! tinamad din kasi ako, kasi ang sarap lang kumain. konek?? hahaha.
wandering commuter: ai, sinabi pa you! hehe. nakarecover naman kami pagkatapos nun, kaya keri lang. hehe. sayo din wandering commuter! sayang di tayo nagpang abot sa EB namin nung nakaraan. :)
orally: ay ganoon nga! hehe. buti nga nawala na ang family tradition na walaan eh. :D happy holidays orally! :)
haha! tama. choosy ka yata kaya naging member ka ng smp. hehe.
dapat talaga naka nganga picture?!
Buti nakita nyo ulet ang sissy mo, ako nga din dati naiwan sa wet market tapos hindi na binalikan hinatid nalang ako ng tanod kasi naibigay ko ang sketch ng bahay namin. Kala nila maiwawaksila ang Jepoy sa buhay nila. bwahihihi
Maligayang New Year!!!!!
Talagang sinabing SMP sya....hehehe!!!Oh well buti natagpuan nyo ang inyong little sister kahit parang sinadyang iwala ng mga kuya nyo.hehehehe!!!At tamang masaya magpasko sa piling ng pamilya.
Merry xmas.:)
carlo: hindi naman masyado. more of by choice lang naman ang pagiging alagad ko ng SMP. hehe. :p
jepoyski: haha. ikaw na si hansel and gretel! buti naman nakauwi ka ng buhay, kasi pag nagkataon, malungkot ang buhay naming lahat dahil hindi namin mababasa ang mga kwento galing sa pluma mo. chos!
ungaz: tamaaaaaaaah! :) ngayon ko lang narealize yan, in the fair. bilang salbahe akong bata. bwahaha.
maligayang holidays sa inyong lahat mga friends! :)
-panis pancit. oh, buti di ka nasuka.
-naku, kulang ang budget ko sa mga inaanak.
-SMP? weeeeh? hehe
-hongkulet ni erpatsu! hahaha
-muntik na ako maiyak sa last part ng istory mo - pinigilan ko lng. hehe
happy holidays!
'xs, nakanganga talaga sa pic - baka may pumasok dyan hoi! hahaha
hahaha hinay-hinay lang chong basig mababoy ta ana... wahehhee... advance happy new year pakals nasad... hahaha
Nakakatuwa ang tatay mo. Sa kanya ka siguro nagmana. =p
Maligayang Pasko pala. =)
All my Christmases are drowned in tears, betrayal, abandonment and quiet suffering. Joke! Masaya rin ang Christmas memories ko nung bata pa ako, kahit alam kong wala talagang Santa Claus at kahit super drag ang mga masses sa madaling araw...
ahmer: naguluhan ako kung pano ko sasagutin ang mga comments mo. ang dami mong bullet points eh! haha. pero salamat at hindi ka nag back read. apir!
kikomaxxx: baboy na. anayon na gani! haha. :)
tsina: uhm, in what sense? haha. madami ang nagsasabing magkamukha daw kami. pero mas mukha siyang sri lankan kesa sa akin!
glentooooot: ang emo naman ng mga christmases mo! feeling ko totoo ang mga sinabi mo about yung tears ekla. hehe. anyway, sana maganda ang pasok ng taon sayo glentot! and many, many more entries from you! mwahchupachups! :D
huli man daw ang magaling, huli pa din. Belated merry xmas tsaka happy new year :)
haha.
and to you too, lakwatsero! :)
Post a Comment