napawhatdafak talaga ako ng bongga kasi naman, wala palang alak dun.
sa lahat ng ayaw ko ay isa na yata ang makulangan ng alak kapag may inuman. kahit na mabitin sa sex, keri lang. pag alak na ang usapan, rampage talaga ang kahihinatnan pag ipinagkait ito matapos kong makatikim ng one bottle of beer or ten.
hindi din naman kasi mahirap intindihin kung bakit naghuhuramentado ang systema ko kapagka ganun. mahirap kasi pag nasa kalagitnaan ka na sa lasingang paglalakbay tapos biglang naudlot.parang hyper ka na, pero hindi pa masyado, at kung nagpapaka-hyper ka ng bongga, iisipin ng mga kasamahan mo, ay nag-iinarte naman pala to si pota. pero sa kabilang dako naman, hindi ka din pwedeng mag demure-demurean kasi nakainom ka na din eh. kaya parang sasabog lang ang utak mo sa kalituhan.
parang ganito kasi yan.
kunwari kumain ka ng tahong, di ba aphrodisiac yun? tas hinaluan mo ng papaya, na pampawala ng libido. tingnan ko lang kung hindi malilito yung patutoy mo sa kung anong dapat nyang maramdaman, libog ba o abstinence. jowk. ayan, nagsisimula ng maging mahalay tong post na to.
heniweyz, dahil kinakailangang maghanap ng natatanging solusyon para sa malaking dagok na ito sa aming pagkakaibigan (parang varsity lang talaga ng lagukan ito, keri), tineks ni carlo si clint na magpaslit ng tanduay at isang 1.5 litro na sprite sa hotel. tas babayaran lang nya pag andun na. o babayaran ng ka-EB nya, na by the way, ay hindi ko pa pala napapakilala.
anyway, siya pala si, anu nga bang pangalan nun? hala, di ko na matandaan yung pangalan nya. al? bernadet? basta! pangalanan nalang natin siyang bacolod visitor. pero wag nalang natin siyang pag-usapan kasi hindi naman siya ganung ka keri para mapapalundag talaga tayo sa tuwa at kasiyahan. kudain nalang natin itong si clint.
etong si clint, nagmamasters sa marine biology. matalino ang lolo nyo, pero kahit magaling siyang magsulat at napaka profound, ay jusme, may drinking problem din ito. kapag sober, nakatawa lang yan na parang tanga. shy type, asus. adik kai naruto at gentle-mannered lang si mokong. pero pag senglot na, ayan na, magbubukas na ng bag, maglalabas ng gamit, ipapasok ulit sa loob ng bag ang gamit, tatawa, mag-iinglish, manglelecture tungkol sa love at iiyak nanaman. (parang talent lang ito ni miss buglasan ah!)
pero kapag magigising ka nalang sa susunod na araw, magteteks nalang yan na: 'ei, was so drunk last nyt. hihih. aylabyu guys.' ganun yung press release pagkatapos maghasik ng lagim ni pareng clint.
pero kung paepalan na lang din ng mga usapang lasingan, hindi din magpapatalo ang kaibigan nyang si paul. hainakopowhz. siya na yata ang superlative ng pagiging lasenggero. yung tipong pag nakikita mo siyang nakainom na ng bungga, magkaka-epiphany ka na wala ka pa palang bahid ng kabalbalan at ang linis linis mo dahil in the fair, intact pa pala ang family values at upbringing mo.
kasi naman naalala ko si kuya paul nung una kaming magsabayan sa bwakananginumanshet na yan. nung una, okay pa. tamang pa witty witty comments lang, pasimple, shy type kung lumagok, pero nung nakita ko na ang pag time space warp nya sa kabilang dako, kahit si akirampa ay mapapasabi na: 'o ayan, sa inyo na yan. pahinga muna ako ha. hihihi'.
nagtatatakbo si kuya. umiiyak. tapos tumatawa. tapos sumisigaw talaga, yung tipong with feelings. grabeee. parang socal suicide lang pag kasama mo siya. tapos naalala ko pa, shet, pinipigilan ko pa siya nuon kasi naman gusto nyang mag milo marathon sa kalagitnaan ng daan ng alas dos ng madaling araw, at muntik na siyang masagasaan ng isang garbage trak.
napakawalang justice naman nun pag na-deads siya dahil nasagasaan.
ng garbage truck.
habang nag-iinuman pa.
anu nalang ang sasabihin ng church elders? kalurky.
dahil sa sobrang stress at pagod ko na sa pagaalalay kay kuya paul, hinatid ko muna siya sa traysikel, sabay nagbigay ng instructions kai kuya drayber kung saan ang boarding house nya. pero kung ako lang yun at hindi nakarining ang mga kaibigan nya, eh dapat binigyan ko nalang ng limang daan si manong tsuper at pina-chugi ko na ang mr hyde na si paul. eh pureza station drama ko nun eh, walang pang-salvage money.
pero akalain mo naman yun, pagkatapos kong ngumisi ng malaki dahil wala na sa landas ko ang malaking asungot na yun, bumalik si gago. nakangisi din. parang potang ina lang ang badtrip ko nun. pakyu! [paalala lamang po, hindi ako ganito magsalita in person. shy talaga ako sa personal. na carried away lang sa emosyon. hihihi.]
kasi naman hindi ako pinanganak para bakuran siya at protektahan sa mga pesteng trak na yan. kaya pwede ba tantanan mo ako. panira ka sa inuman, shet ka!
heniwey, ganun nga yung nangyari. ipinaslit ni clint yung tanduay at sprite sa room 410. at syempre, dahil kaya kami nagtipon tipon ay para magkamustahan ng mga kaganapang buhay namen,
[BEGIN]
clint: mas may kasiguruhan ang hard science, kasi at least may palaging definite na sagot.
ako: weh? so panu mu malalaman ang validity ng definiteness na yan? pano pag may bagong natuklasan ulit? at least naman kami dynamic, hindi tulad nyong rigid, tayt azz bitchezz. bleh.
(epektib na stratehiya para maging personalan ang diskurso kuno, JOWKtaym lang!)
siya: eh at least may constants kami at definite answers, eh anong sabi ng mga bwakanangphilosophicalshit na yan na panay lang ang pag-eencourage sa mga emonesang mag-eyeliner lang ng ever bilena?
(sabay namula ang tenga nya. yahu, saxesful ako sa panggagago!)
claudiopoi: eh ano ngayon kung gusto naming mag cry under the rain so no one will see our sadness? sasakit ba ang bulsa mong wala namang laman dahil bente lang ang inambag mo sa tanduay pakyu!
(at iniisip ko ding dagdagan to na: at least ako, tumatagingting na kwarenta ang inambag ko kanina. sinong mayaman? pero syempre hindi ko na sinabi yung kayamanan factor, baka maalala lang nila yung ibinulsa kong sampung piso na sukli.)
tinalakan ko pa: isa pa yang constants na yan. di ko maintindihan yang potang algebrang yan. bakit pinipilit nyong maging number of days worked by carpenters in chuva days si X. pano pag ayaw ni X ang mga let X let X be chuva chenelyn na yan? panu pag gusto nya maging Y o Z? why can't you let him be his own persona?
(napaenglish tuloy ako dahil with feelings talaga ako pag mga ganitong usapan.)
clint: eh at least sa genetics, malalaman mu kung may genetic abnormality and magiging anak mo, ulul!
ako: eh bakit ikaw, napaghandaan ba ng magulang mo ang pagdating mo? I bet not.
(nagiging maarte talaga ako sa inglis pag sinasapian na ng kung anung demonyo.)
clint: ay foul ka, gago ka ha!
sabay humablot ng kutchilyo.
para islice ang meatloaf dahil nagugutom na pala siya. tingnan mo, PG nga at ginawa pang hapunan ang pulutan namin.
[END]
to cut the story short (meganong exit?), tumakas ako habang naglalaro sila ng family feud sa laptop ni carlo. hihi.
kaya ayun, natapos din ang usapang lasingang ito. kthanksbye!
P.S. nanalo pala sina carlo sa family feud. kasi naman, di namin alam nila anna na sikat palang dwarf si sneezy. sorry naman. shin-chan yung childhood favorite ko.
kthanksbye!
22 comments:
ang kulit amp! napakaprofound ng usapang lasing ninyo, nagdebate pa nang katakut-takot. dapat nag-orgy na lang kayo. hahahaha
haha. walang ganunan. syempre, me halong modifications na to. hehe :)
wag yang mga ganyan, mas okay pa uminom kesa makipag-orgy. swear :)
Naalala ko tuloy yung time na nagbuhat ako ng lasing na babae sa kahabaan ng Taft avenue papunta sa condo niya. May mga lasing pa sa kalye na sinisipulan kami.. haay, ayoko na maulit yun.
traumatic naman yan. hehe :) kaya dapat blacklist na yan sa susunod. eh ikaw, anu worse na nangyari sayo? :D
pinaalala mo pa. haha, kaya nga nag-stop ako sa pag-inom dahil medyo di ko kayang kontrolin yung pamumula ko at yung pagiging out of control ko pag lasing. basta, secret muna, hahaha
pati dito, ginawang chatbox? hahaha :D okay lang yan. sulat ka din ng letter para sa moster mo. :p
haha, seems like we chat in the most unlikely places.
yeah, i'll try to write a letter to myself someday. but i think i already did a few weeks ago, though it's not in letter form. check out my past posts.
pwes, itigil na ang convo thread na to. haha :) sige hahanapin ko. dun nama tayo mag usap. apir!
may naamoy ako dito ah...
nagkakadevelopan ata kayo ni will, claudio?
:P
amuyin mo ulit. baka barado lang ilong mo. :D
wapak, quest, wapak! haha
wala syang ilong. kaya may ekis yung pic niya.
i know! lol
Lasing na ba yun? Akala ko normal lang. hahahaha!
hala, pano ka pala nalalasing ms ayie? haha :) syempre, modified na to para may halong katinuan ng isip ang mga pangyayari. :D
So nerd naman yon..hehehe!Pagkaganon nga usapan lalayasan ko.hahaha!
Naalala ko bigla kanta pag inuman "ito'y hindi picnic ito'y inuman lang"
haha. trip2x lang. hindi naman lalabas yan pag matinong usapan talaga eh. mas lalo naman kayang magulo kung buhay pag-ibig yung pinag-usapan namin. hehe :)
oo, nagutom siya eh. niyaan nalang namin. :D
hahaha,... sana ganito din discussion namin sa inuman session... eh puros meeting lang ng meeting kahit nag-iinoman agenda parin pinag-uusapan...
napadaan lang po...
yehey, at least di mo sinabing dork usapan namin. hehe :)
bisita din ako sa blog mo ah! :D
hindi naman ito usapang lasing ah, this is a mental ejaculation. lol!
Andy, nakakalasing din naman ang mental ejaculation ah. hehe :) dapat pinasuka ko nalang si clint bago natapos tong kwentong to. :D
Usapang lasheng na ba yan? Hehe
Dumugo lang ilong ko' haha
isa ka pa ahmer! :D magka-efbi na tayo! i-like mo mga status ko ha. hihihi :D
Post a Comment