unang round. (one grande of red horse)
cast of characters: ako at si jonah, ang aking karamay sa pagsasamba sa alak.
jonah: alam mo ba, merong nagsuicide na estudyante nung isang araw sa dorm? iskeyri!
clyde: bakit daw?
jonah: madaming anggulo e -- may love, school, at pwede ding gender problems. basta, igalang nalang natin ang namatay. kawawa naman ang pamilya.
clyde: sinabi mo pa. oo nga, tumungga nalang tayo.
round two. (dalawang red horse grande na ang naitutumba)
cast of characters: ako, jonah, at ang magiting na si alexa, yung minsang nakitulog sa bahay namin.
alexa: putang ina, kaaga-aga umiinom na kayo! alas dyis pa lang ng umaga, wala ba kayong respeto sa araw?
clyde: shaaaaadap. inom ka na, bilis! habang may kaperahan pa tayo.
jonah: oo nga, shaaaadaaaaap.
alexa: okay fine. (lagok) alam nyo ba may nagpakamatay daw na estudyante nung isang araw, iskeyri ha!
clyde: oo nga eh, kanina pa namin pinag uusapan yan. kawawa naman yung pamilya nung babae.
alexa: sabi nung trike driver na sinakyan ko kanina, uminom daw ng white flower si girl, kasi may bukas na bote ng white flower sa harapan nya.
jonah: baka naman nagka muscle pains at cramps lang siya bago nangyari ang suicide event?
alexa: pakyu, hindi nuh! ubos daw lahat ng contents nung bote, as in sagad ang pagkaubos.
clyde: pero diba ang liit naman ng bote ng white flower? malamang sa malamang eh isang karton ang dapat mong ubusin para makafeel ka ng justice sa white flower!
round three. (apat na bukas na grande na ang nakatambad sa harapan namin)
cast of characters: ako, jonah, alexa, amanda (isang foreigner girl na madalas kong nakikita sa mga inuman sessions kung saan saan) at si cherry (isang maskom girl na maliit ang built, pero varsity sa paginom ng alak at parang isda lang)
alexa: clyde and jonah, meet cherry and amanda!
clyde: hi! hi! okay na ba ang pleasantries? ang alak nag-aantay oh! wag nating putulin ang momentum. inom mga anak, biliiiiiiiis!
amanda: iskeyri sa school ngayon ah. mukhang may nagpakamatay na naman! lintek na pag-ibig talaga ito!
cherry: ay oo nga! ang pinakamasaklap pa, natagpuan ang katawan ni girl ng 6:15, pero 8:30 dumating ang SOCO. kamusta naman yan diba?
alexa: letche talaga yang SOCO na yan.
jonah: yun ba yung agency na si gus ablegas ang chief?
alexa: oo! nakakapikon. kaya pag ako nagsuicide, bibigyan ko talaga sila ng hard time. yung tipong hindi nila mahuhulaan kung pano ako namatay.
amanda: pano?
alexa: simple lang. magbibigti ako, first of all. tapos magbubukas din ako ng white flower sa harapan ko. tapos dapat may saksak din ako sa tagiliran. nakaslash din dapat ang wrist ko na parang emo lang. nagmumog din ako ng muriatic. at dapat nakalublob din ang ulo ko sa balde na punong-puno ng tubig. tingnan ko lang kung hindi sila mahirapan!
cherry: pero dapat daw may suicide letter din eh. parang kailangan talaga, para hindi gaanong kahirap magka closure if ever.
alexa: eh di lalagyan ko ng '3ohwz poeHwz!', kasi diba emo dapat? oh ayan. meron na akong plans. hihihi.
pang apat na round. (i lost count na, shet, at oo dapat inggles, kasi lasing na me ng mga panahong yaon)
cast of characters: same shit, pero at this point ay nagteteks na ang mga estudyante (which happens to be all of them) na hindi na sila makakapasok sa klase nila.
clyde: may kwento din pala ako tungkol sa suicide suicide na yan, hikhik.
jonah: go na, nagpapaalam ka pa eh!
amanda, cherry, alexa: asdoishdpaodjd!#$%! (oo, inaudible na yan)
clyde: yung nanay ko kasi, may naging student din siya dati. nabuntis. pero nahirapang aminin sa magulang nya. kaya nag attempt mag suicide. alam nyo ang ginawa? una, kumuha ng lubid si ate. itinali sa leeg nya. tapos itinali sa doorknob ang other end. tapos luluhod siya every time para mawalan siya ng hininga..
jonah: pwede pala yun?
cherry: so feeling nya ngipin ang ulo nya?
clyde: hindi pa ako tapos! yun nga eh. hindi siya natuluyan kasi everytime daw hindi na siya makahinga ay parang dumidilim ang paningin nya, kaya tumatayo nalang ulit siya. nakailang attempts din si ate. pero wafaz!
alexa: malamang, eh ano ba ang gusto nya makita? white light? eh pano pag hell talaga ang destiny nya kaya dumidilim ang paningin nya? hahaha!
amanda: (drunk dialing.)
cherry: (nagsusumikap malasing ng mag isa nya.)
jonah: (sukadance)
amanda: ui, alam nyo bang dinakma ni potang baron geisler ang boobs ni cherry pie?
(at this point onwards, hindi na pwedeng idivulge ang mga kaganapan nung hapon na yun. pero buhay pa naman kaming lahat pag alis namin sa drinking venue.)
end of story
(congrats kung umabot ka man dito)
26 comments:
Pang limang round: Nagpunta sa kuwarto si Clyde at si Amanda, ang foreigner girl na madalas...
At umabot sila sa Round 10.
LOL!
ayos ah... usapang lasingan nga... kaso bitin... hanggang dun lang nangyari?! wala bang... lol... hehehehhe
umabot naman ako sa last part :P gusto ko makilala yung poreyner haha
gasdude, at nag ano? kickboxing? haha. lumipat kami ng venue, at sumunod yung boyfriend nya. kaya dapat magbigay galang sa mga kabiyak. hihi.
xprosiac, ay meron pa. kaso lang tinamad na akong tapusin eh! lol hehe
lakwatsero, sige ba! haha. friendly naman yun. punta ka lang sa dumagiti! :)
kthanksbye!
hmmm ganyan ba talaga ang nangyayari? parang hindi naman pag nalalasing ka. haha joke clyde. hinay lang sa alak ;)
wag mokong igaya sayo carlo noh! mabait at dalisay kaya ako! ikaw yung nang aano eh! hihihi :D
Ayos ang kambyo sa storya ah!
shiyet. ahaha. isama nio ko sa next session. may story din akong suicide :) ahahah.
after Round 10...
Humirit pa si Clyde ng round 11 kay Alexa.
mugen: ganyan talaga, idol po kita eh. hihih.
nowitzki: punta ka na dito! may promo ang cebu pacific! baka dito mo mahagilap ang lablayp mo! hahaha :D
lakwatsero: pambihira! ang daming haka haka. haha. sasabihin ko na nga lang kung anung nangyari pagkatapos... sa susunod na kabanata! hehe
ay nakaabot nga ako.. buti nalang chong at di kayo umabot sa tae... hahaha...
actually, muntik na. yun kasi ang next sa agenda eh. haha :)
Bitin ampotah!
ako na nga ang tatapos
Round five sumuka si amanda sa bibig ni Clyde ng alak na may cornick tapos nilunok ni Clyde. DUGYOT! ahahahha
Fine, ako lang natawa sa sarili kong comment...
ayoko talaga kita maging kainuman, clyde. mamatay ako sa alcohol.
at grabeng mga suicide stories yan. gusto i-try yung panghuli minsan. lol
Natapos ko. belat. hehehehe, so anu nga ulit ang nagyari. hik hik...:)
jepoy, ikaw na ang fanfictioner! kadiri naman yang naiisip mo noh! anyway, goodluck sa byahe! hihihi :)
will, suicidal ka din???
desperate houseboy, walang nangyaring anything na malaswa. kasi hindi pa kami ganung ka senglot. umuwi na ako nun eh. magsisimba pa kasi ng novena mass. totoo! :)
ang seseryoso naman ng usapan niyo pag lasing... hehehe
si alexa ba, siguradong gusto suicide o marder? :P
kami puros showbiz lang. lolz
kuya gillboard, shempre subdued version na yan. baka pag sinulat ko talaga ang virgin na account nung mga nangyari, mawindang you. at baka walang katuturan. :)
Una, congrats at naalala mo pa ang takbo ng usapan ninyo haha! It means hindi ka nagpass-out.
White Flower? Diba ang liit lang ng butas nun, tapos papatak lang kapag may contact sa skin? So hinigop nya yun? Effort si Ate! Gusto nya na talagang mamatay, decided sya...
And the Bacolod thing, yup letz gowww! Kaso wala akong alam sa Bacolod na puntahan ... Kung hindi ka makapunta ng Bacolod ako ang pupunta ng Dumaguete at bibili ako ng makasaysayang silvanas. Kaso naisip ko, baka may tumapik sa akin dun???
bwahahahaha natawa ako sa NGIPIN na banat ni Cherry...
yun lang.. yaiy
hahaha. glentot! sa siquijor naman yung may tumatapik tapos major seizure ang magaganap. hehe. sige ba! sounds like a plan! ipapahanda ko na ang makahulugang silvanas na yan, kasi nagpapareserve na sila ngayon. oo, ganyan na sila kaarte. anyway, kelan ang dayo mo sa negrooooows? :)
yj, haha. ang tipid mo naman sa words! yaiy! :)
usapang lasingan nga naman. kahit sa'n napapadpad. he he
i should visit dumaguete one day. i was so close to it before pero never had the chance to visit it.
makakarating din ako dyan. patomain mo ako ng red horse ha? ;p
richard, hmm. parang ganun na nga. nasa title pa lang eh. hehe.
bloigsterr, yuf! pag napadpad ka ng cebu, sobrang lapit na yan. sige ha?? just tell me. magpabugnaw nakog beer para nimo. :D
drunken conversations are the best! lol sayang lang di tayo masyado nalasing when u were here.
Muntik na akong mabukelya dahil sa katatawa. Nasa likuran ko pala ung Project Director namin. Hindi nya siguro mafigure out kung bakit ako humahagikgik while looking at my computer monitor.
Hahahah! Ganda ng session. Good trip =)
Post a Comment