Sunday, January 16

wala akong maisip na title para dito.

bakit may mga araw na sadyang kay hirap magsulat?

katulad ngayon, mahigit sa isang linggo na pala akong hindi nakakasulat dito. pero alam ko naman talagang madami akong kwento -- yun nga lang, ang pakiramdam ko ay hindi ko sila maisusulat ng maayos.

alam mo yung ganung pakiramdam?

yung kahit na gusto mong sumulat tungkol sa isang ideyang nakaukit sa iyong utak, ay hindi mo kayang panindigan na isulat ito? yung tipong natatakot ka na baka kulangin ang mga salitang dapat mong gamitin, at kakapusin ka ng mga emosyong dapat sana'y susustento sa pagkekwento mo?

siguro ito nga ang tinatawag nilang writer's block -- pero hindi din eh, kasi nitong mga nakaraang araw, ay malakas naman ang naging paghataw ko sa pagsusulat ng mga kung anu-anung mga mundane shit para sa aking online job. noong isang araw lang, sumulat ako tungkol sa 'best position to get pregnant'. 750 words, at free writing lamang. kanina naman, 'how to shop for your mother-in-law's dress on your wedding day'.

mga ganung keme.

at in the fair, nakakapagsulat naman ako ng matino. nalaman ko pa nga na missionary position pala ang pinakamainam na posisyon pagdating sa pakikipagtalik, dahil kusang lumalapit ang sperm sa cervix kapag ito ang posisyong ginamit. ang 'woman on top' naman ay hindi nakakatulong kapag gustong mabuntis ng babae, dahil kusang 'nagleleak out' ang sperm ng lalake sa posisyong ito.

diba? nakakapagsulat naman ako ng maayos pagdating sa mga ganyan.

pero bakit pagdating sa blog na ito, wala akong matinong maisulat? bakit parang ang loser lang ng pakiramdam pag wala akong inspirasyong magsulat tungkol sa mga bagay na may kabuluhan naman at hindi ko ginagawa ng dahil lang sa pera?

pasensya sa mga walang kwentang tanong na ito, pero di ko talaga alam kung ano ang mga sagot, o kung meron nga talagang sagot. kasi ang labo din ng mga tanong ko eh.

paumanhin.

21 comments:

nomadicmillionmonks said...

korek, ako din dami na draft di ma post sa kakaedit. kaya nang interview na lang ako, tapos yun ang pinost ko :P

The Gasoline Dude™ said...

LOL! Puro ata tungkol sa 'writer's block' ang nababasa ko sa mga blogs. Pero tingnan mo nga naman, nakapag-update ka ng blog mo dahil sa so-called 'writer's block'. LOL!

Noah G said...

aus lang yan :) ahaha. hinde ka nag-iisa. may mga ganyang momments talaga sa buhay ng isang writer :) maybe your lacking inspiration? hihi.

pagnilayan mo ang aking litrato at baka ma-inspire ka. bwahaha!

Raymond said...

awww.. ganyan talaga minsan. Ako I wait for the right timing since ayoko talaga nagsusulat pag may ibang tao or pag pagod na ako. Wait for that emotional urge to write, then everything will follow :)

glentot said...

Nararamdaman ko lang yan. I think we all go through something like that, yung gusto mong magsulat, you know what to write about, pero alam mong pangit ang kalalabasan kasi wala ka sa mood, at kahit isulat mo sya eh hindi ka rin satisfied at hindi mo rin ipupublish. What I do is keep drafts sa Notes app sa phone ko. Tapos kapag ganado akong magsulat, babalikan ko yung notes. It probably has something to do with moods. Or sa alignment ng stars. Or tides. Whatever the reason, it's nothing to be worried about...

claudiopoi said...

lakwatsero, buti ka pa dahil may naiinterbyu ka. ako, wala eh. oo, malungkot ang buhay ko. letche.

gas dude, honga eh! madami talaga. depressing month ba ang january at tila yata mahirap umariba sa buwan na to??

nowitzki, aling picture ito? akala mo ikaw lang ang may lablayp. ako din, meron na! haha. pero hindi nga lang ako marunong mag esketch. :D

rj, ayun nga eh. di ko alam kung kelan ang right timing. naguguluhan ako. mag masaya ako minsan, hindi ako nakakasulat. pag malungkot naman, nakakasulat. oo, parang baliw lang talaga.

glentot, ay oo. feeling ko dahil sa pagbabago ng mga zodiacs ito. ayoko maging sardinas after being a bull for the longest time! ai ayan oh, pwede palang blog topic ang zodiac chuva. haha. kornee.

Raymond said...

youre the only one who can tell kung kelan mo kaya. Wag pilitin kung ayaw talaga, dahil lalabas at lalabas din ang kwento. :)

Anonymous said...

hahha parang ako lang din... hanggang sa mahulog nalang jud ta anig one liner post... putik.. daghan draft walay nahuman human..

Mugen said...

Iyon ay dahil pagod ka na magisip kapag blog mo na ang iyong pagsusulatan.

Don't worry, nangyayari rin sa akin yan. Tingin mo ba bakit ni-cram ko yung ilang entries ko nung mga nakaraang buwan? Hehehe.

Nimmy said...

wow! hindi ko alam un ah! kaya siguro hindi nabubuntis ung friend ko. chos! hihi

darating din ang urge na yan kuya! at kapag dumating un, ung mga scary stories ha... hihi

claudiopoi said...

RJ, tama nga naman. yun nga lang. tamad din ako kung minsan eh. kaya i don't trust myself well enough. sometimes, you have to recreate the conditions para may maisulat. pero tama ka, mas madali nga pag spontaneous at organic and urge.

kikomaxx, ako pud bai. daghan nakog drafts. puro undeveloped or underdeveloped. haaaaaai. i think it's because of the weather. pero pangitaan sa nakog connection. sigh.

mugen, hmm. weirdly enough, everytime nagsusulat ako ng online stuff, parang nigaganahan akong magsulat sa blog ko pagkatapos (pero before ng dry spell ito). kasi feeling ko nawawala kasi ang linguistic entanglements ko pag nagsusulat ako ng technical chuva. di ko talaga magets. ang weird ng sistema ko eh. i should look for my own blogging groove soon, and asap!

nimmy! haha. ikaw lang ang may gusto sa mga horror horror na yan. haha. pero sige, pagsisikapin ko. more power to you and leo! haha. kami na ang groupie!

gillboard said...

wag pilitin. halata pag pilit yung sulat. darating din ang inspiration. :)

claudiopoi said...

naks. opo master gillboard. :)

Jepoy said...

wag ka na mag sulat mag tikol ka nalang mag hapon. Juk!

Wala rin ako macomment kasi meron din akong writer's block today. LOL

Peter said...

Panahon yata ngayon ng 'writer's block'.

claudiopoi said...

jepoyski, kakapagod na din magtikol. lalo na pag nasasagad na. juk din! haha

peter, honga po eh. napagtantya kong madami din pala ang mga nahihirapang magsulat nitong mga panahong to. bakit kaya?

Kapitan Potpot said...

Ang panlaban ko sa writer's block ay ang malupit na kombinasyon ng yosi at labada. I can funnel my thoughts kasi pag ganun. Seryoso. Hehe.

Wag mo muna pilitin parekoy, lalabas din ang mga ideya sa tamang panahon. Happy Monday sa'yo! :)

The Princess Boy said...

Ganun talaga.. hehehe.. when you blog kasi, you speak for yourself, when yuo write for a living, you don't actually care about the art. you just need an output. when you blog kasi, you're defining yourself. kaya mas maingat at o.c. ka..

ako din nagra writers block din ako. sabi sa sex and the city na movie, you just have to sleep, and when you wake up, you'll know what to do. :D

hey natuwa ako sa blog mo, added you to my blogroll. i'll read more of you. :D

Anonymous said...

AKO din kaya wla akong update! hehehe

:)

claudiopoi said...

nielz, salamat sa mga words of wisdom mo. naks. hehe :) pero tamaaaaa, i just have to let it naturally flow. mahirap na pag pinilit eh, baka dumugo! hehe :) anyway, thanks for your kind words. i will also follow you back. welcome here! :)

mr chan, hoooooooooonga eh. haha. :) di bale, baka february is a better year for us. i really think the rain is partly at fault here though. :D

Abou said...

maayos naman a