Wednesday, November 24

because my mom raised me in a well.

technomoron.

isang salita na akmang-akma sa pagdidiskrayb ko sa aking mudrakels. kasi naman, malakas talaga ang mga heart palpitations ng nanay ko everytime may nakikita siyang mga shiny silvery objects na nasa loob ng mga bubble wraps. old school si mudra kaya hinding-hindi nya bet ang mga maliliit na mga gadgets na ito. but don't get me wrong, dahil mahal na mahal ko naman ang ermats ko. at hindi naman ito panlalait na walang katuturan (shet, kelangan kong mag isip ng katuturan neto), kundi isang constructive criticism lamang.

heniwai, eto ang mga kachuvahan ng nanay ko when it comes to modern technology:

unang scenario.

napromote si mommy sa school, at nagkaroon na siya ng office staff, opisina, at ang pinakamalupet, kabago-bagong laptop.

yung tipong top of the line, black vintage shit, at ang dami daming kayang gawin, ie, conducive for porn much. joke! anyway, ang ginawa ni mudra ay hindi tinanggal sa bubble wrap ang kanyang new toy, naghanap ng mga napthalene balls, at itinago ang laptop na ito sa kasuluk-sulukan ng kanyang mahiwagang baul. kasi daw baka masira.

at bumili siya ng typewriter kinabukasan.

pangalawang scenario.

nagtext ako: 'mommy, kamusta na kayo dyan sa bahay? okay lang naman ako sa manela, at kahit na nagkakandaleche leche na ang buhay ko dito dahil sa aking kasipagan at likas na pagiging matulungin, ay kinakaya ko naman lahat. kasi ikaw kasi ang inspirasyun ko. gusto ko maging proud ka din sa very charming at mabait mong anak. alam mo yan, kasi ikaw ang gumawa sa akin! hehehe! i love you so much mommy, and regards to daddy na din!'

after six hours, may reply: K

yung K na walang period, at halata pang nakacapslock yung pagkasulat.

pangatlong scenario.

straight from dreamland, biglang nagising ako sa message na ito:

KAMUSTA KA NA DIYAN ANG BAHAY NATIN KAMUSTA NA NAGKITA PALA KAMI NI TITO MO SABI NYA SANA OKAY KA LANG DIN KELAN MO BALAK UMUWI SA ATIN MAGPIPIPIYESTA TAYO AT UUWI LAHAT NG MGA KAPATID MO IKAW NALANG ANG KULANG WE MISS YOU KAMUSTA NAMAN ANG MGA BAYARIN SANA NAGBAYAD KA NA SA KURYENTE KASI PALAGI KA NALANG NAPUPUTULAN DYAN NAKAKAHIYA SA MGA KAPITBAHAY AT AYOKO NA RING MAG CANDLE LIGHT DINNER HE HE HE SIGE INGAT NALANG BYE

kung kelan naman siya sinipag nagteks, saka naman nag aklas ang mga periods, semi-colons, at commas nya.

at may kutob lang akog ginugulan nya ito ng matagal na panahon para lang makacompose siya ng 3-part message. at malakas din ang kutob ko na sa tagal ng pagpindot nya ng mga letra ay madalas namamatayan ng ilaw ang kanyang keypad buttons.

pang-apat na scenario.

dahil isang academic si mudra ay umattend siya ng isang conference kung saan nag kumpol kumpol ang mga university deans sa pilipinas. siyempre pa, mega bonding si ermats sa kanyang mga amega star. beso-beso dito, beso-beso doon. at dun ay nakita din nya ang kanyang matalik na kaibigan na itago nalang natin sa pangalang mystery woman. superhero?

anyway, talk na sila ng talk. talakan ng talakan tungkol sa kung anung mga shit-shit na bagay, nang biglang may nagbigay ng magandang presentation na sadyang kinagiliwan naman ni mystery woman. nagpower point kasi ang magiting na ispiker.

sabay bulong ni mystery woman sa nanay ko in her 1-inches voice: 'mare, alam mo ba yung tawag dun sa isang maliit na bagay na parang rectangle siya? yung dinidikit mo sa likod ng kampyuter at sumisipsip ng kompyuter?'

sipsip daw. anu ito, vacuum cleaner?

at, in the fair, ay kaagad-agad siyang sinagot ng mudrakels ko na: 'oh, you mean flash drive?

ayun oh! at least nakabawi!

i raised my mom well! ahihihihi :D

20 comments:

Mugen said...

Hays, yung ermat ko sumuko na sa mga ganyan. Ako ang kanyang PS. Personal Secretary. Lolz.

claudiopoi said...

yung akin kasi palaban eh. hehe :)) nakakatuwa naman ang fighting spirit nya, kaya hinahayaan ko nalang. :)

Pen Ginez said...

ahaha..salamat naman sa post mong to..dami ko tawa..pero buti nga, nakakapagtext pa ang mama mu, and mudra ko, talagang walang alam sa cp at comp..

The Gasoline Dude™ said...

HAHAHA! Natawa ako sa typewriter. Pero impernes, alam niya ang flash drive. Siya na! :)

Jepoy said...

sobrang naka relate ako sa all caps na txt, parang si Mama ko lang...LOL

Ungaz said...

hahaha!sosyal si mudra alam ang flash drive..Natawa naman ako sa laptop.choosy?mas gsto typewriter..hahaha!

ako naman napaphiya sa ermatz ko...mas techy sakin.OMG!

claudiopoi said...

pen: ganyan talaga ang mga older generation. pero kyoooooot pag nag effort sila diba? hihihi :D

gasdude: impernes okay lang din ang nangyari sa typewriter, kasi naangkin ko siya ng di namamalayan ni mader. hihi

jepoy: dibaaaaaa? parang palaging sumisigaw lang at galit kasi pag naka caps lock!

ungaz: ikaw na ang may ermat na nagbablog hop! hahaha! :D

Anonymous said...

hahaha... buti nalang hindi USB ang nasabi.. wahehehe... weee... pwede akin nalang yungitinago niya sa baol na laptop.. masisisra yun di niya gamitin.. wahehhee

Anonymous said...

weeee... buti nalang hindi USB ang nasabi niya capslock IMPRESSIVE... wahehehe.... Pwede akin nalang yung laptop na itinago niya sa baol.. masisira yun pag di pa niya ginamit... wahehehhe

Andy said...

panalo si mudra! haha!

nung umuwi ako eh binigyan ko si nanay ng touch skrin na nyelpown, aba aba, wala pang isang oras alam na nyang gamitin. oha oha?! wala ka sa nanay ko! lol!

claudiopoi said...

kikomaxx: aba, at kinailangan talagang irewrite ang unang sinabi? ikaw na ang owsi! hihi :D

andy: oo na, nanay mo na and techie. pero mabilis ba siyang magtypewriter? nanay ko oo! bleeeeeh! p

Anonymous said...

ang kulit ni mudra! ganyan din yung lola kung dati nung wala pa siyang facebook acct. pero ngaun, akalain mong 12-hours siya online dun. haha

glentot said...

Akala ko "Because my mom raised me well" tapos namalik-mata lang ako sa "in a well" Hahaha marami talagang parents ang takot sa machinery... Tapos kapag natutunan nilang gamitin, overused naman, like yung Tita ko, nagpeplay ng MP3s sa phone nya habang nanonood ng TV.

Nice to see a change in your blog hehehe

claudiopoi said...

will: oo, nababasa ko ang mga comments ng lola mo sa stat messages mo! haha :D

glentot: yung nanay ko, averse talaga sa modern technology, kaya ako yung palagi nyang tagapayo pagdating sa advent of new gadgets. chos.

at oo din, iba na naman ang style na ito. kapagka lasing at nadidipres lang naman ako sumusulat ng emo eh. :)

glentot said...

Nice to know you're happy. And sober hahaha.

Yj said...

magkakasundo sila ng future biyenan niya...

mom ko!!!

Yj said...

ay mali yung comment ko hahahahahaha hindi pala dapat biyenan yun! yaiy

balae dapat...

claudiopoi said...

glentot: yes, i seldom am happy. and sober. wahehe. pero im sure im going to be always drunk when i get to meet all of you soon! hehe :D

yj: aw, haha. biglang nawalan ako ng maihirit. haha :D

citybuoy said...

Wow! A happy post. *checks url* tama naman. haha joke lang

moms. can't live with or without them. naloka ako dun sa "K" at least nageffort.

claudiopoi said...

nyl, hindi pa kasi ako nalalasing ng sobra kaya hindi ako makagawa ng emo post. hehe :D

kapag ka happy post, ibig sabihin nun sober lang ako habang nagsusulat. :))