at feeling ko ito ay dahil sa pinagsamang tanduay, sprite, at red horse kagabi.
actually, wala naman talaga akong planong lumabas. pagkatapos kong magsimba sa cathedral ng alas syete, na-excite ako sa aking plano na magpakalugmok nalang sa ka-emohan at magbasa ng mga blogs buong gabi. kahit magdamagan pa, kaya ko yan. ginawa ko yan nung byernes ng gabi. masaya kasi eh. at dahil ngayon lang ako naglilibot-libot sa mga blogs ng mga magigiting na mga blogista, inisip ko na shet, eto na yata yung ipagpapalit ko kai san miguel.
pero hindi din pala. dahil kaladkarin ako at madaling kausap, isang sambit lang ni mark na 'shots' ay kumain kaagad ako ng sandamakmak na pansit, pritong isda, at gabundok na kanin. oo ganyan talaga, para hindi ka maging maagang casualty of war.
ayun, nagsimula sa isang lapad ng tanduay, isang bote ng coke, at madaming kwentuhan. may bago akong kwento sa kanya. at kahit nahihiya man akong aminin na may ka fling akong 9 years na mas bata sa akin, kebs na. may alak naman eh. siya din pala, meron ding kalaguyo na di ko alam. bwakanangshet. hindi pa daw right time para sabihin nya ang mga lumalagablab na detalye. ulol. kaya para magkwento si mark, dinagdagan ko pa ang poison of choice. hindi nya alam yun kagabi, pero nung iniikot ko ang tagay, dinodoble ko ang dosage nya para lang mag-loosen up siya at magkwento ng hindi niya namamalayan. hahaha.
pero kupal din itong si mark eh. trenta minutos kung makalagok ng shot nya. kasi daw inaantay pa nya na umepekto yung antihistamine na ininom nya 30 minutes ago. panglaban daw nya sa pamumula ng mukha nya kapag nasobrahan ng alak. to be fair, tama naman. kasi kahit moreno si mark, nagmumukha siyang longganisa kapag napapatiran ni petrang red horse kabayo.
keifinewhatever.
pero to be fair naman sa amin, naging mature naman kami this time around, kasi inestablish namin na 11:00 lang ang curfew namin, hanggang sa umabot ng 12, hanggang sa binaon nalang sa limot ang konsepto ng curfew (lagi naman kasing nananaig ang kapangyarihan ng alak pag naka apat o limang rounds na, hahaha). nagpa-alarm pa nga siya sa phone nya eh. kaya hinanap ko talaga kung saan ang snooze button. pero naging parang tanga lang din kasi hindi ako marunong mangialam sa mga touch screen na mga selpowns. parang palagi kasing humaharurot ng takbo pag may napindot ka lang na di mo alam kung button ba, widget ba, o isang litrato lang.
after 30 minutes, dumating ang aming nakababatang kapatid na si nico, kasama si joni na kahayskul ko. keifine. isang round ulit.
isang oras pagkatapos, dumating naman si anna.
'bakit mag isa ka lang? saan si carlo?'
'ayun, may ka-meet na naman. nasa hotel. pinapapunta nga ako eh, pero pota, anu ako dun, adjudicator?'
may point din naman siya. ito kasing si carlo eh, medyo may kakatihan talaga ang lolo mo, pero mahal pa din naman namin siya kahit na palaging itching for the next adventure ang drama nya. sa kanyang artistahing looks na lagi nyang pambato sa kung anu-anong mga reality tv shows na sinalihan nya (starstruck, survivor philippines, pbb), palagi syang nashoshort list, pero kapag ififield na ang mga napiling contestants, palagi siyang nabobokya.
hashaywaseying, parang nabadtrip lang si anna dahil di-nitch kami ni carlo para sa isang ka-eyeball na taga-bacolod (masskara festival kaya ngayon, kaya parang tanga lang na hindi siya nakisali sa mga kaganapan duon). at dahil hindi siya good mood, palagi lang nyang kinakalikot ang selpon nya at halatang kinikilig sa teksmeyt nya. feeling ko lang ay si mike yung kateks nya, dahil nagiging gurly-gurl kasi siya pag nagteteks yung mokong na yun eh. kaya nung di nya namalayan, sinilip ko ang selpon nya, at eto ang nabasa ko:
'wag masyado ha. uwi ka ng maaga.'
amp. parang pahayskul lang ang kulitan at kiligan ng dalawa. hahaha :) anna, pag nabasa mo to, sorry. hindi ko kasi kayang hindi i-share to eh.
pero natuwa ako sa kwento mo na nung naghost si carlo ng buglasan king and queen nung byernes ng gabi, muntik ka nang makalbo sa kakatawa sa talent portion. actually, kahit na nagba-blog hopping lang ako nung gabing yun, natawa ako sa tweetitow mo na: 'WTF. this has got to be the most stupid talent in the history of beauty pageants. lol'
kasi ganito daw nangyari dun.
nag talent si mr and ms buglasan.
unang ginawa: sumayaw si babae, at parang hinatak lang nya ang partner nya para mag cha-cha sa stage kasi naman dalawang dance steps lang ang alam ni kuya.
umexit si buglasan king pagkatapos nun.
si ate naman, biglang kumuha ng kumot.
tumahimik.
tumahimik ng matagal.
binalot nya ng kumot ang ulo nya.
tumingin sa audience.
sabay sumigaw: 'basilio, crispin, saan kayo mga anak ko?'
tapos humagulhol ng bongga. hahaha. parang tanga lang talaga. pero to be fair, ay umiyak naman ito ng mga totoong luha, at makatotohanan ang kanyang pagganap ng role ni sisa.
pero pagkatapos nyang isigaw ang mga hinagpis nya sa dalawang anak nya na inabuso ni padre damaso, namatay siya.
tumihaya lang siya sa stage.
tapos dumating ulit si lalaki.
at may bitbit na dalawang micropono.
naturelly, tumayo ulit si adik na sisa.
nagholding hands ang dalawa.
sabay kumanta ng duet ni donna cruz at jason everly.
hahaha. diba? panalo ang star factor ni ate. at watch out, dahil naging best in talent pa siya. siya na talaga. siya na ang may tatlong talent, kahit na hindi mo magets kung bakit magkakadugtong ang pagbaballroom, pagmomonologue, at pagkanta ng wish.
anna, nung nagkekwento ka, parang lumabas yata ang tanduay sa ilong ko. ganun lang yung tawa ko. pero badtrip ka pa din, kasi wala ang bestfriend mong si carlo. pero alam naman nating masaya yun eh. nakailaing rounds na kaya sila nung mga oras na yun? pagkatapos kong tinanong yun, biglang nagtext ang asungot.
'punta kayo sa hotel. bilis.'
ay, baka chaka yung ka meet nya. at syempre dahil good friends kami at ayaw naming mabalahura si carlo ng kung anong halimaw na nag invite sa kanyang mag-hotel, off to the rescue kaagad ang drama namin. to be fair, 140 lang ang bill sa lahat lahat ng basurang ininum namin, at dahil pasimple ako nung nagbabayaran na, singkwenta lang ang inambag ko. kinuha ko pa yung sampung piso na sukli. yahu. nakamura.
sina mark, nico, at joni kasi, gusto pang mag zanzi bar, dahil trip daw nilang sumayaw. ayoko kaya ng mga tugsh-tugsh-tugsh na yan. ang ingay, ang daming pretentious na mga bwakanangkonioshit, kailangan mong sumigaw palagi, at ilang beses na akong lumabas na butas butas ang tshirt ko. potang mga yosi kasi yan. mas gugustuhin ko pang umupo lang sa kung saang sulok, makipagkwentuhan hanggang sa senglot na, sumuka ng sandamakmak pagkatapos (syempre, dapat may timba to the rescue palagi. ayoko ng halayin ang inidoro kapag dumating na ang 'tama na sobra na' moment ko.), at gumapang na sa lusak pauwi sa bahay ko.
kaya hayun, pagkatapos naming magbayad, at pagdekwat ko ng sampung piso, nag ibang landas na kami nina mark, nico, at joni. nagpramis ako na susunod ako pagkatapos kong pumunta sa hotel, pero ulol, alam naman nilang nagsisinungaling ako. kaya kahit na sinabi nilang 'oo, aasahan ka naming pupunta ka', alam na nilang perennially lying ang friend nila, kaya keri lang na wag tumupad sa usapan. ganyan pag may alak. walang katotohanan, panay pang-eepal lang.
sumakay na ako sa motor ni anna dahil pupunta na kami sa hotel. sa room 410 nag check-in ang dalawa. pero nagulat ako sa nakita ko pagpasok namin sa loob: whatdafak?
(hindi pa tapos, malamang. haha. tinamad na ako eh. ang haba na ng litanya ko dito. pero tatapusin ko ito, pramis. hindi usapang lasing to. hihi)
19 comments:
Grabe ka claudio. Haha, hinay-hinay sa inom next time. :D
waaaaaaaah! salamat sa laglagan. hindi ako kinilig, EVER. bow.
anna, homaygash, you found this post. haha :) shet. i told you to not read it. anyway, this is just a random blog in the randomness that is cyberspce. haylavyu friend. hehe :)
will, oo. ceasefire na kami ngayon. kasi workweek. hehe. salamat sa word of caution, kaibigan. :)
baka antihistamine hindi antacid. :)
Anyway, same experience tayo last night.haha 4am nko nakauwi.lol
ay oo. antihistamine pala. pero antacid talaga yung nasa utak ko. haha :) ako, di ko na alam. 2, or 3, or 4. basta. pagkagising ko, nagulat nalang ako at nasa kwarto na pala ako. haha :D
at dahil gusto kong maniwalang OC ako, in-edit ko na po ang antacid part na yan. :)
ngaun ko lang napansin. lasing ka ba nung pinicture ka sa pic na yan? haha, peace.
Nakaramdam na ako ng pagkahilo at the mention of alcohol, napakadali ko kasing magloosen up kaya gusto ko iwasan. Kung ako tatanungin magbobloghop na lang ako magdamag. And I'm saying this as a guy na kakagaling lang sa inuman kagabi. Haha.
May cliffhanger talaga!?!
will: oo. haha. blue froggie tinira namin nyan eh. ganyan talaga mga facial expressions ko pag lasing. nyahahaha.
glentot: oo nga eh! gusto ko na rin ang pagbablog hop. kahit bagong salta lang ako sa pagsusulat sa enternet, masaya pala. feeling ko mababawasan alcohol intake ko nito. i hope. nyahaha. ai oo, tinamad na ako magsulat. tas kumain na ako ng pansit. nagutom ako kanina eh. hehe. pero pramis, tatapusin ko yan. :)
part 2 na dali nabitin ako ! LOL
haha, gagawin ko talaga pramis! parang napagod lang kasi ako kanina sa kakatalak, kaya kumain muna ako. haha. pero walang halong kapornohan yung kadugtong ha. tamang wholesome lang. hehe :D
Sus binitin pa!
Ang haba ng kwento pota...LOL nag reklamo?! Salamat pala sa pag dalaw sa blog kong walang kwenta at pag comment yun lang. Bow!
jepoy, tawa ako ng tawa dun sa diet post mo. hahaha :) parang tanga lang akong tumatawa ng alas tres ng madaling araw.
heniwei, oo, tatapusin ko nga yan. nawalang lang talaga ako ng momentum kanina kasi ang bango nung pansit na niluluto ng katulog namin. kaya lumamon muna ako.
happy birthday pala sayo! :D
Blue frog? Ahaha, oo nakatikim ako nyan last year. Hindi ko nagustuhan. Hahaha
haha. masarap yan will. alam mo yan! :p
di ko talaga type.. sayang lang yung stubs ko, kaya bumili na lang ako ng iced tea. ;)
ai, okay. ikaw na ang wholesome. hehe :) infairness, tinatry ko naman na na mag stop eh. sa weekends nalang, kasi haggard din sa homebased ghost writing work ko. oie, babasahin ko yung the crazies na review mo. na amaze ako sa simula ng pelikulang yun :D
ha? simula lang napanood mo? hahaha
hindi. yung simula lang yung nagustuhan ko! kasi naging formulaic, linear at predictable kasi siya pagkatapos eh. :D
Post a Comment