Wednesday, November 3

para kay mami at papi.

wedding anniversary ng magulang ko bukas. nag-isip ako kanina ng malupit na regalo, pero wala akong maisip na 'best gift' ika nga para sa kanilang 32nd wedding anniversary. kaya dahil namumulubi ako at ang tangi kong maiaambag sa kanila ay ang mga blogs ko (oo, ganung katindi ang poverty level ngayon), ililista ko nalang ang mga rason kung bakit sobrang nagpapasalamat ako at sila ang mga magulang ko. hetowz na powz:

1. maswerte ako dahil kahit sobrang tagal na nilang mag asawa ay iswit pa din sila sa isa't-isa. yung tipong naghoholding hands pa kapag nasa public, mahilig mag PDA, at may kutob akong active pa din sila... sa facebook! yung mga iniisip mo ha! kasi nga naman, madaming mga technomorons na mga tanderbirds ngayon, pero silang dalawa, sige pa din sila ng sige sa pag-uupdate ng fezbuk status nila at pagpapalit ng lingguhang profile picture. madalang na ang ganyang mga couple ngayon, kaya salamat po sa enyo mga magolang ko!

2. corollary to number one, masaya din ako kasi kahit may katandaan na sila at puti na ang buhok nila pareho, ay nakukuha pa nilang magbigayan ng lab leters sa isa't isa. pramis! minsan nga, dahil burara sila minsan sa mga lab leters na yan, ay nababasa pa namin sa kung saan-saang lugar sa bahay. yung pinaka-recent na nabasa ko ay galing kai mudraks, at nasa altar namin ito (inalay?). sabi nya sa letter nya: 'when i don't feel important to you anymore, i feel like the only color is gray, the sky is starless, and lamp posts have no light.' san ka pa? feeling ko nga kaya ako naging ganito ka emo, ay dahil nasa nature and nurture ko na eh. kaya sila ang may kasalanan kung bakit messed up much si claudiopoi ngayon. joke!

3. halos lahat ng mga kaibigan ko at kaibigan ng magulang ko ay nagcocomment na goodlooking daw kameng lahat na mga magkakapatid. ehem ehem. syempre, dapat nasa front seat ako palagi pagdating sa mga pagcocomment na ito. hahaha! ekchweli, nagpapasalamat ako sa genes ng magulang ko, kasi kahit madalas akong mapagkamalang sri lankan (bakit sri lanka sa lahat ng mga bansa sa middle east? bakeeeeeeet?), ay kamukha ko naman daw si jerecho. naka naman. turtle mode na ito, at buhatan na ng sariling bahay. nyahahaha!

4. apart from number three, syempre kasama na din sa genes ang pagiging likas na matalino ng mga supling nila. puro kasi accountants ang mga magulang ko, at pareho din silang valedictorian sa elementary at hayskul, at cum laude pa nung grumadweyt sa kolehiyo. hong lopot dobo? kahit na minsan ay matatayog ang mga expectations ng mga tao sa aming mga magkakapatid, keri lang, kasi nga meron namang genetic basis ang pagiging achiever namen (kuno!). kahit na di ko na-inherit ang talento ng erpats ko sa matematika, at least nakuha ko naman ang pagiging writer ni ermats. solb na ako dun. ibaon na sa limot yang potang let x na yan!

5. syempre pa, sobrang pasasalamat ko din at grabe ang sipag ng magulang ko. kapag hindi sila nagsipag sa pag-aaral dati, siguro anak din ako ng mangingisda sa masbate tulad ng isang uncle ko, o di kaya ng isang majongerang auntie ko na pang-UAAP na yata ang skills sa pagsusugal. working students si dad and mom (naks, susyal amp) nung nasa kolehiyo pa lang sila -- si erpat ay janitor, at si ermat naman ay secretary ng college dean nila dati. naging presidente si daddy sa working students circle, at si mommy naman ay kanyang butihing vice-president. ayun, nagbunga din ang panlalandi nila sa mga org meetings, at nakabuo din sila ng anim na matatabang baboy healthy kids.

6. di tulad ng ibang mga tatay jan, matatas ang mga aylabyus ng tatay ko. ekchweli, kahit na matigas na ang bone structure ko at bente sais na taon na akong nakikigulo sa mundong to, ay panay pa din ang paglalambing ni erpat (katulad ng pagca-cuddle sa bed at paghoholding hands sa kalsada). ako na nga lang minsan ang nahihiya sa kanya. pero ang prinsipyo nya pagdating sa pagiging tatay ay simple lamang: minsan lang daw tayo nabubuhay sa mundong ito, kaya kung may gusto kang gawin o sabihin sa mga mahal mo, sabihin mo na ito, NOW NA! at saka, bata pa lang din siya nung namatay ang tatay nya, kaya sinabi nya sa sarili nya na dapat hindi nya ipagkakait ang pagmamahal ng isang tatay sa mga magiging anak nya. sana maging katulad din ako ng tatay ko, pramis! kahit one-fourth lang, solb na ako dun!

7. grabe sila kung makabigay ng second chance. parang nakalimang second chance na yata ako sa kanila. nung una, binagsak ko ang math 17 ng dalawang beses, i mean tatlo. potang ina, sige na nga, apat na beses (social suicide much)! pero keri pa din nila. sabi nila, umalis ka nalang jan sa peyups at lumipat ka na sa silliman. tapos ayun, bilang isang masunuring bata, ginawa ko naman ang hiniling nila. nung nasa silliman na ako, panay liwaliw at bulakbol pa din ako, pero kahit na lumiit na ang utak ko dahil sa betsin at red horse overload, ay second chance pa rin sina mama at papa (parang soap opera lang, hihi). at ngayon, suportado pa nila ako sa pag-aabugasiya ko. haylabet! kung ibang magulang siguro, itinakwil na ako o di kaya ay iniwan sa gulf air passenger seat (sanggol?) pero buti nalang at hindi ganyan ang magulang ko. tenk yu berimats Lord!

8. laking pasasalamat ko din dahil sa sobrang pagka-relihiyoso ng magulang ko ay parang next in line yatang mabe-beatify ang erpat ko. sa isang linggo, dalawang beses kami kung magsimba. tapos kada sunday pa, may family rosary kami at 7 pm. tapos nun, bible study. tapos nun, may endearing quality chuva pa kami (yung i-aafirm mo yung lahat ng myembro ng family, kasama ang mga helpers namen, with something na ginawa nila na nakapagpasaya sayo nung week na yun). at syempre pa, ang pamatay na weekly family meetings namin. oo, kurak. si tatay ang nagpepreside (dati kasi siyang manager sa past employer nya), at si nanay naman ang taga sulat ng minutes of the meeting. naalala ko pa nga dati, akala ko ay nagjojoke lang si erpat nung sinabi nyang kailangan naming isulat ang aming mga new year's resolutions sa isang bond paper -- pero watch out, totoo pala itey. hindi nya ako binigyan ng allowance ng isang linggo hangga't hindi ako nagcocomply. daig pa nya ang mga majors ko nung college, ganyanan lang ang drama nya!

9. eto ang sobrang personal sa akin: sobrang pasasalamat ko sa kanila at pinalayas nila ako nung 2008. ekchweli, alam ko namang patapon ang buhay ko nung mga panahong yun. panay alak lang ang laman ng tiyan ko, umuuwi ako ng lasing halos gabi-gabi, at madalas akong nagta-time space warp kapagka nalalasing. sabi ng erpat ko: hanggang [insert date here] ka nalang sa bahay na to, kasi isa kang malaking kahihiyan sa alta nating pamilya. chos! pero totoo, pinalayas ako sa bahay, at sa cebu na ako na-ispatang muli. habang andun ako, nagnilay-nilay naman ako sa mga kaganapan ng buhay ko, at naisip ko dun na shet, bakit kailangan akong itakwil ng mga magulang ko na okay naman sana silang mga magulang. opo, ate charo, na-realize kong dapat kong baguhin ang ugali ko at akoy malapit ng tumungtong sa trenta. putakels. (jepoy, eternity)

kaya ayun. mahal na mahal na mahal na mahal ko ang magulang ko, at dahil 32 years na and pagniniig nila sa akwatro ng nobyembre, gusto ko lang silang batiin ng happy, happy, happy anniversary! alam kong hindi kayo masyadong natutuwa sa akin ngayon at sa mga bad decisions na ginawa ko as of late (archaic english?), pero i promise you: 'this is not the real deal yet.' (claudiopoi, 2008) gagalingan ko ang pag-aabugasiya neksyir, at kahit papano, sisikapin kong maging katulad nyo sa isip, sa salita, at sa gawa. chos.

eto si jolina at si marbin oh.

isa pang stolen paparazzi shot.


aylabyoo parents!

17 comments:

The Gasoline Dude said...

Naks! Nakakatuwa naman 'yung pagbibigayan ng love letters. Bihira nga 'yang ganyan. Saka parang ang cool ng family niyo. Picture pa lang, kuwelang-kuwela na.

claudiopoi said...

haha, thanks gasoline dude! oo, ang dami nilang lab letters sa bahay. buti pa nga sila, nakahanap ng matinong lablayp eh! hehehe :)

KikomaxXx said...

kasweet naman... congrats sa kanila...

The Gasoline Dude said...

HAHAHA! Ampf. EMO much ang reply? Inuman na 'yan. LOL

claudiopoi said...

kikomax: makakarating. hehe
gasolinedude: kelan yan?! magpapareserve na ako ng plane ticket papuntang manela. haha! inuman tayo dun! apir! :D

Yj said...

a parent's love they say lasts forever... even long after our time has ended, it continues in that so called place where our broken hearts and shattered dreams will again forever be made whole...

happy anniversary to your parents!

now, be a good boy!

glentot said...

Mabuhay ang Sri Lanka hahahaha! Kudos to your parents, just for being together...

YJ, saan mo Ginoogle yang icocomment mo. I'm sure hindi yan sa puso mo nanggaling. Bwaha!

2ngawzki said...

sweet!!!Imba sa kasweetan.wala nang ganyan ngaun a...Happy Anniversary sa parents mo. More babies to come...ano daw?hahaha!!!!

claudiopoi said...

yj: naks naman YJ! wala akong masabi sa comment mo. hehe. salamat naman! at makakarating sa magulang ko. hehe! :)

glentot: oo, kudos talaga! mamayang gabi, may dinner kami sa bahay. at ang bisita lang nila ay apat na pari! :D

2ngawzki: hindi na yata pwede. kahit na may jer, hindi na makabuo, kasi ligated na si mamy eh. sayang nga at gusto pa naming magkaroon ulit ng baby sa bahay! nyahahaha!

Will said...

Happy anniv sa parents mo! Hay, nakalimutan ko na yung pakiramdam na kumpleto ang pamilya, kaya masaya kami dahil nagmamahalan ang iyong mga magulang. Go go go claudiopoi!!

claudiopoi said...

naks naman! salamat will. nakakataba ng puso. hehe! goodluck sa thesis mo! :D

Yj said...

nieta ka glentot... gusto mo ikaw ang gawin kong bagong laruan.... sawa na ako kay andy eh.... gusto mo? umayos ka!

claudiopoi said...

haha, may namumuong bangayan na naman! world peace! :)

ahmer said...

wow yun lang. haha

happy anniv to your magulang.

may bago namang target si Yj. haha

btw, 29y/o ka na? hehe : D

claudiopoi said...

mukha ba akong 29??? hahaha :)

ahmer said...

Ahahaha binaligtad ko lang ang nine : P

claudiopoi said...

aw. haha. yepyep! :) 26 and loving it. demmet, hindi talaga. haha :D anyway, age is just a number! hihihi :D