Tuesday, November 9

bakit kinailangan mong maging adik pagkatanda mo?

kahit na kanina ko pa narinig ang karima-rimarim na balitang yun, ay hindi ko pa din lubos maisip na siya pala ang kriminal na kinasusuklaman ko noong isang linggo lang.

naalala ko pa na medyo lalasing-lasing pa ako nung tiningan ko yung litratong naka-tag ako martes ng gabi nung isang linggo, kahit na wala naman ako dun sa larawan. isang litrato ng batang nakangisi habang idinidikit ang hintuturo nya sa kanyang matatambok na mga pisngi. akala ko nung una ay yaon ang anak ni spring na dalagingding na ngayon. pero hindi pala. nalungkot ako ng sobra nung nabasa ko ang caption na:

this little girl was beaten to death by her parents in bacolod city. she was just 6 years old. and in the autopsy report, it was discovered that she had several bruises all over her body, burn marks in her buttocks, and evidence of lacerations to her genitalia.

naalala ko pa ang naging comment ko sa picture na ito: spring, biglang na depress naman ako dito. =(

pagkatapos nun, palaging pumupula ang notification bar ng facebook ko kasi ang dami-daming nagcocomment sa mga itinag din nya. kaya minabuti kong tanggalin nalang ang pangalan ko sa mga naka-tag dahil ayokong makita ang mukha ng inosenteng bata na walang awang pinaslang ng mga dapat sana'y umaruga at nagmahal sa kanya.

hanggang sa naghapunan kami kanina.

biglang tinanong ako ng mama ko: clyde, di ba kilala mo si [insert name here]?

ako naman: oo, kaklase ko yan ng elementary eh.

mama: alam mo ba, nakakulong siya ngayon?

ako: weh?

m: oo, kasi pinatay nya yung anak nya sa bacolod. high daw kasi sila ng asawa nya.

a: hindi ako naniniwala sayo. mabait yun dati eh. naalala ko pa nga, madalas kaming seatmate ng grade 5 at grade 6 kasi inappoint ako na maging tutor nya dahil may kahinaan sa utak yung si [ ].

m: totoo. high daw kasi sila ng asawa nya kaya nila nagawa yun. umihi daw bigla ang anak nila sa kama habang nagdodroga sila, kaya ayun, pinaso ng plantsa ang bata, pinagbububugbog, at ang pinakamasaklap pa, pinasukan pa nila ng papel ang anu ng anak nila.

a: [hindi na kumain at nalungkot ng sobra]

dali-dali kong binuksan ang internet at ginoogle ang mga detalye ng krimen na yun. at nanlamig ako ng makita ko na siya nga ang tatay ng kawang nilalang na nilapastangan ng sarili nyang mga magulang.

napabuntong-hininga ako ng malalim.

hindi ko maatim na siya pala ang halimaw na yun.

naalala ko pa nung nasa elementary kami, ang tahi-tahimik nya. pero syempre, kahit na tahimik siya ay hindi siya napatalsik ng first section kasi nga naman, anak siya ng mga hasyendero sa bais. kastila yung mga magulang nya, at madalas silang hingan ng offering kapagka nagmimisa yung skul namin. nung grade 5 at 6 kami, ako yung in-assign ng titser namin na maging tutor nya sa english at hekasi kasi medyo may problema siya sa mga subjects na yun.

hindi pa din talaga ako makapaniwala kahit hanggang ngayon.

bakit mo ginawa yun?

22 comments:

Anonymous said...

At talagang nagresearch ako sa Google about sa case. Grabe nga. At ngayon, kahit na gaano kayaman o makapangyarihan ang pamilya nila, wala na talaga silang mukhang ihaharap sa mundo. Haaayyy... wala muna ako macomment kasi nadepress ako bigla sa balita.

Anonymous said...

nasa loob ata yung kulo nung clasmeyt mo...

claudiopoi said...

will: oo, ako din. sobrang nadipress. hindi pa din ako makapaniwala hanggang ngayon. at ang masaklap pa nun ay yung magulang nya ay friends ng magulang ko. magkasama sila sa for the lord movement dito. at in fairness, mababait ang magulang nya. kaya di ko talaga magets kung bakit naging ganun nalang siya sa anak nya. shet.

kikomaxxx: honga eh. nung elementary kami, mabait yan. mas may tendency pa yung mga kuya nya na maging ganun. kaya sobrang nagulat talaga ako. kawawa naman yung bata.

John Ahmer said...

awts nadepress ako bigla. ano ba naman tong post mo claudiopoi, nandamay kapa!.
anyway, tahimik at mabait din ako.

claudiopoi said...

sorry naman ahmer. gusto ko lang ishare. magwawarning nalang ako sa susunod kung depressing ang topic.

gillboard said...

meron ata talagang mga ganung tao. akala mo sa una mabait. tapos hindi pala. :(

claudiopoi said...

sa lahat ng tao, hindi ko inakalang siya yung makakagawa nun. alam ko naman na mabait pa din siya hanggang ngayon, yung droga nga lang ang problema nya. tapos sabay pa silang dalawa.

tang inang mga brattish rich kids yan.

Trainer Y said...

ang nagagawa ng drugs.. :( nakakalungkot na sriling magulang pa ng musmos na batang yun ang umomit ng buhay nya :(

nakakalungkot..

napadaan lang..

Yj said...

i am going to pretend i didn't just read about all that!

glentot said...

May mga taong hindi nagets ang konsepto ng droga at laugh trip. Sila ang dahilan kung bakit ginagawang illegal ang droga. Sana gawin rin sa kanila yung ginawa nila sa anak nila, pasuin rin sila ng plantsa. Para sa akin kasi kung nakulong lang ang isang kriminal, he just got away with it. Ang sarap nilang planstahin!

claudiopoi said...

yj, ang saklap lang. pasensiya at mejo downer ang post na to. :(

glentot, totoo yan! nanggagalaiti ako sa galit din kagabi eh. naisip ko din, mga spoiled rich brats kasi din ang mga batang yun. mga tang ina lang nila. 20 yung kaklase ko nung nakabuntis, 19 naman yung babae. may mga kakilala din akong ganyan, na bigla nalang nagagalit sa anak nila dahil nareremind sila na ang dami nilang hindi nagawa dahil nag asawa ng maaga.

pero tang ina, kagagawan pa din nila yan lahat. kawawa talaga yung bata. sana nga plantsahin din silang dalawa. nakakapikon.

Ungaz said...

Tsk tsk!!!wish ko pra sa kanila ay...SLOW PAINFUL DEATH.May that little girl rest in peace.Buti wala n siya sa piling ng mga walang kwentang magulang.

Jepoy said...

pagkatapos kong basahin ito sabi ko sa sarili. Haist salamat hindi english. Juk

pero nalungkot ako. Sana nag skip read nalang ako. :-(

Dapat sa kanila ilublub sa posonegro ng one week saka pasuin ng plantsa. WTF!!!!

claudiopoi said...

2ngawzki at jepoy: tama, grabe. nagchurch ako kanina, at yun lang ang tangi kong dinasal. alam kong masama ang naging panalangin ko, pero wala talaga akong maisip na mas masahol na kaparusahan para sa mga pesteng yan.

tapos nalaman ko pa na ang dami pala nyang hematoma sa katawan, pati yung likod ng bata ang daming peklat, gawa ng pagpapapalo ng belt na buckle ang ginamit.

leche, ang saklap ng mundong to para sa kawawang batang yun. sana hindi na makalaya pa yang dalawang hayop na yan!

VICTOR said...

Paano kaya sila nakakatulog sa gabi?

claudiopoi said...

di ko din alam victor eh. sana hindi na makalabas yang dalawang yan. yan siguro ang nangyayari sa mga rich kids na feeling nila ay kaya nilang gawin lahat.

nakakahiya sila sa mga pamilya nila, at sa sangkatauhan in general.

John Ahmer said...

shet, di ako maka move-on.

VICTOR said...

There are stories that surprise us of the noble things that the human soul can do. And it's terribly frightening when we stumble upon stories of the opposite kind, like this one. Wildly depressing.

claudiopoi said...

ahmer: ako din. :( dalawang gabi ko ng napapanaginipan ang batang yun. nakita ko pa ang picture. ang cute pa naman.

victor: yes, i agree with you. it shows kasi the extremes of human capabilities. it's very disconcerting to know that human beings are capable of so much evil. grabe, i'm still reeling from the horror of the details. tsk.

Pen Ginez said...

argh.. siyete!!!

kabaliktaran nung nabasa kong nobela..

a 10-year-old girl who was raped by two American crooks.. she almost strove to death.. his dad planned a bloody revenge..killed the rapers..

ansaklap ng post-balita mo..

Pen Ginez said...

sanga po pala, i included you in chain-award..

asa blog page ko..:)

Pen Ginez said...

anyway... raper po talaga yun ha? haha.. instead of rapists.. tsk!!!