una sa lahat, aaminin ko munang bitter ocampo ako ngayon. at ito ay sa kadahilanang dapat sa araw na to, nasa eroplano na sana ako papuntang doha, qatar. bakit kamo? kasi sabi ng kontrata ko dun na ako magtatrabaho. bilang ano?
humirit na ang gustong humirit pero ninais ko lang naman maging ef ei.
oo, yung may dalang trolley sa mga paliparan at wala ni isang buhok ang wala sa ayos.
yung sumasayaw sa kanta ni lady gaga na bad romance habang tinuturuan ang mga pasaherong ikabit ang sinturong pangkaligtasan.
yung nagtatanong sayo ng: 'sir, are you okay with being in the emergency exit?' o di kaya yung nagtatanong lang ng: 'tsiken, pork, beef, or me?' chos.
kahit na alam kong malalanta lang ang utak ko sa trabahong ito, keri lang, kasi makakapag liwaliw naman ako sa kung saang parte ng mundo, at bibigyan pa nila ako ng malaking sahod para lang sa pagpapafacial at pagpapakyut ko.
oo, mukhang pera at vain talaga ako. masama ugali ko ngayon, kaya sayo na muna yang hirit na yan kung ayaw mong masaktan. JOWKtaym!
heniwei gateway, parang ang hirap lang ng pinagdaanan ko bago ako nagtagumpay sa kaepalang to.
una, nag ipon pa ako para lang makabili ng plane ticket papuntang manila para sa recruitment.
pangalawa, muntik ko ng ibenta ang katawang lupa ko sa isang baklang mayaman na nagpahiram sa aking ng ng coat and tie.
at pinakamalupet, binasag ang nag-uumapaw kong self-esteem nung recruitment day sa dinami-dami ng mga artista at modelo ng pond's na dumating. malakas ang kutob kong mukha akong madungis nung araw na yun.
pero dahil sadyang mabait si lord, at umepekto naman ang panglalandi ko sa bumbay na recruitment officer nung araw na yun, ay pinalad naman akong makuha sa final 11 na nag final interview. tatlo lang kameng lalake at walong babae out of more than 4000 applicants. (ang angas lang namp)
yung isa ko pa ngang kasabayan sa FI ay isang sikat na PBB hausmate. siney itey? wag nalang, at baka mabasa pa nya to at hindi na siya magli-like sa mga witty na mga fezbuk status messages ko.
kaya ayun, nagpainom ako ng bungga at nagpaburger sa mga purezang kaibigan ko (mahal ko kayo mga friends, pramis) nung tinawagan nako ng bumbay na HR coordinator ko. oct 25 daw yung departure date ko.
pero syempre bago yun, may medicals pa.
hayown. duown ako bumagsak. dahil sa congenital heart problem ko na asymptomatic naman, haller. sinong ampalaya? at dahel strekto sena koya at ate sa qatar air, tinerminate ng mga pota ang offer of employment ko. dapat pala pinareimburse ko nalang yung mga alak at yum burger na pinanglibre ko, shet.
so hayun, umalis na yung eroplano ngayon na walang claudiopoi na kasama. pero keri lang. mag-iisip nalang ako ng mga dahilan kung bakit nega maging ef ei. at mag aabugasiya nalang ako, para hindi malanta ang utak ko. bitter na kung bitter!
hainakupowhz, nakakalungkot talaga. pero at least hindi na ako sasayaw sa lady gaga music at magtitinda ng baboy, baka, tsiken, o ampaw.
pero bago ako magka-closure, dapat ko munang ilabas to:
p*#@*g l*^a nilang lahat! (cge nga, idecipher mo nga).
ayan, okay na ako (ng slight).
20 comments:
Ayun, nalabas mo rin. Wag ka nang madepress, ok? haha, cguro destined ka ngang maging abogado dahil magaling ka rin naman magdebate. at siguro destined ka ring magblog ng blog para sa mga readers mo (me ganun?) haha. may reason ang lahat, poi.
meganon talaga will? hehe :) honga eh. alam ko namang may rason ang lahat, pero ang sarap lang munang mag vent bago mag move on. i think okay naman na ako. ng konti. ng slight lang talaga. :D pero salamat sa pagcomment. :)
ambitter bitter bitter! law school? why not chocnut! keri mo naman eh. haha!
Kung diin ka masaya suportuhan ka namun' : D
alam mo ba na kapag natuloy ang alis mo ngayong araw na ito ay mapapalagpas mo ang nag-iisang pagkakataon para ikaw ay sumaya... dahil kung umalis ka, wala na tayong chance para magkakilala....
CHOZ!
seriously, okay lang yan Poi... di hamak na mas maganda ang Bohol kesa Doha... enjoy your trip... at yung advice ko ha, magpicture ka ng maraming Tarsier, malapit na kasi mawala yan sa mundo hahahaha on the verge of extinction na!
ambilis mag comment ni Tarsier oh! ay Andy pala... hahahahahaha
@ Ahmer... hi, ang cute mo naman... mahal na kita hahahahaha
hhmmm...FA?Flight Alalay?joke!hahaha....masyado ka naexcite kaya napalibre ng di oras.tsk tsk!Mlay mo may kpalit ang mapait mong kapalaran.
Did you mean putangina nilang lahat hahaha. OK lang yan, may iba pa naman sigurong airlines.
Or ask mo si YJ kung gusto mo talagang mabago ang buhay mo. Hahaha!
aray ko po!
Sayang nga! Ok lang, baka reypin ka ng mga arabo dun. Uso ata yun eh
ako din dati na final interbyiew sa PAL, final 15, pero waitinng list muna.
Paderma muna daw ako hahaha.
ahmer: salamat naman. hehe :) last hirit ko na to bago ko kalimutan tong bangungot na to. hehe
YJ: honga eh. baka ma-miss lang kita kasi malayo ang doha sa maynila. hindi tulog matutuloy ang inumang balak na yan. hehe. kaya in a way, parang blessing in the skies lang din ito. at baka magbago daw buhay ko pag nakilala kita sabi ni glentot! haha :D
2ngawzki: hindi na ako masyadong mapait ngayon. haha :) okay nga eh. at least na-assess ko yung ibang mga options ko. pero naisip ko din, hindi naman long-term kasi ang pagiging FA. kaya parang sampal lang din ng tadhana. hihihi. :D
glentot: sige, titingnan ko yang opsyon na yan. haha! :D
lakwatsero: galing! kuha ka nanyan! na fifeel ko. goodluck ha! at ingat ka sa himpapawid! binitawan ko na muna yang panaginip na yan. at baka para talaga ako sa lupa, at hindi sa ere. :)
feeling ko pag nagkakilala tayo, ako ang mababago mo! hahahahaha
at hindi ka para sa lupa... hindi ka para sa ere.... para sa akin ka!!! yaiy
Pagisisipain natin sa mukha!!! heheheh
@Yj, grabe ang hagalpak ko sa office. Naibsan ang nagdurugo kong pu...so.
Ikaw na talaga ang reyna!
naks! Sinubukan kong mag-apply sa Cebu Pacific bilang steward, nung nakita ako ng mag-iinterview, bigla ba namang nagtanong ng BAKETT??? Syet lang!
Ingat salamt sa pagdalaw sa blog ko
Teka, nalito ako. Dalawa pala blog mo?
Hindi papasa ang kagwapuhan ko sa pagiging isang flight attendant. Pati weight requirement din ata hindi ako papasa. Saka hindi din ako marunong lumangoy.
Si Franzen ba 'yung PBB Housemate? LOL!
yj: sige, titingnan natin kung magiging totoo nga yan. baka mapadpad ako sa manila this nov eh. hehe. seeyah! :D
ayie: natawan naman ako dun sa nagdurugo mong pu...so! :)
drake: grabe naman yown. baka napagtripan ka lang. hehe :) mababit naman daw dun sa cebupac eh. naisip ko din yun dati, pero di ko tinuloy, ambisyoso kasi ako kaya gusto ko international kagad! jokelang! hehe :D
gasoline dude: ay, wag mo pansinin yun dude. para sa mga rakets ko lang yun. haha :) heniwei, try mo din, baka ma tipuhan ka din ng mga bumbay! hehe. hm, hindi si franzen eh, hahaha. try harder! pero oo, first pbb season siya. haha :D
i'd bomb the motherfucking plane down if i were you ;) hahaha. nuh, chin up cutie ;)
i reckon you're just meant doing something else rather than asking people whether they'd like to eat "chicken, beef, pork or you" ;p
the Guy up there might have other plans for you. pag nagsara ang isang pinto, may panibago na magbubukas. :)
herbs: thanks for that. hehe. actually, i'm okay now. (ng more than slight) i'm just bracing myself for law school this june. sana kayanin pa ng matanda kong utak.
bloiggster: oie, welcome sa blog ko. feeling close? hehe :) heniwei, ayun nga eh. hinahanap ko nalang ang pintong yun, at hopefully, yung susi pati. :) ifofollow din kita ha.
buti nalang nalabas.. kasi sabi nia pagdi daw mailabas yan... maging lamig2 yan at dun na mag-umpisang lagnatin ka tapos... biglang kunin ka na agad ni Lord... waheheheh joke lang,....
tamaaaaaa! haha :)
twas 2010 when u posted this, but two thumbs up, it made my morning!
been there.. but twas a singapore land-based offer...
and then to find out, lawyering is my dream..
everything happens for a reason.
few years to go and you will be our country's lawyer..
from your first-time follower ad will be your all-time follower,
denah
Post a Comment