reality tv: chile style
pero bago yun, akalain mo muna yun noh, may sa dalawang buwan din silang nakatago sa lunggang yun, at kung nakita mo kung gaano kaliit ang lugar na yun para sa kanilang lahat, magtataka ka nalang:
na una, paano kaya pag najejebs na sila at naaihi sa llalim ng lupa ng ganung katagal? sabi ng kaibigan ko, malimit masosophisticate naman siguro sila sa dami nila dun at sa liit ng lugar. at dahil hindi sila naligo for 69 days (isa pa ito, bakit ang halay ng itinagal nilang araw dun), grabe, bilib din naman ako sa mga ilong nila at natagalan nila ang magkahalong amoy ng tae, pawis, ihi, at lahat lahat na. yaks.
pangalawa, pano kaya pag natutulog sila sa gabi? kadirs naman yung nakahilera lang sila sa lupa, at magkakatabi ng dalawang buwan mahigit dun. katakot naman yun. parang nasa kabaong lang. o di kaya parang mga earthworm lang sila. iskeyri.
at pangatlo, paano kaya sila nakakahinga dun? akalain mong 625 meters below the earth din sila na-trap ng mahigit kumulang 69 days. at eto pa, sa liit ng lugar, malamang nag aagawan sila ng oxygen dun, kasi naman di ba, ang liit na nga nung lugar, kapos na sila sa hangin, at nag aagawan pa sila ng hininga. kaya para lang dun, magiging proud ka din na nabuhay pa sila nung ganung katagal.
anyways, as I was saying, dahil may sa pagka abnormal yung kaibigan ko, napaisip siya ng isang napakagandang konsepto ng reality TV show sa lunggang yun.
dahil kung siya daw ay magiging TV prodyuser, hindi nya muna palalabasin yung mga minero. ngunit, subalit, datapwat, at dapat daw may reality show na gagawin dun, tutal andun naman na ang mga reality tv cameras.
napaisip din ako: oo nga noh, magandang ideya yan. pwes, ipursue natin yan.
naisip muna namin ang konsepto ng the bacholerette.
kaso nung kinalaunan, parang nakakatakot naman ang reality show na yun. kasi pano pag naging hayok na sa laman ang mga kuyang minero natin at biglang na gang rape ang bacholerette? naku, patay tayo nyan kai chairman laguardia. at malamang lang 20 minutes pa bago dumating ang mga rescuers para sagipin si bacholerette natin. kaya fail yun.
tapos naisip namin na the biggest loser naman sana.
kaso parang mahirap din yatang gawin yun. kasi ganito: una, maliit lang ang butas nung rescue capsule, at malamang pag matataba yung mga pinasok mo dun, eh di gumuho na yung lupa at natabunan na ang lahat ng mga natitira sa baba? or worse, baka naman habang binababa pa lang yung contestant ay na-clog na siya dun sa butas, at pagdating nya sa baba ay patay na pala lahat ng mga minero kasi naman, wala na silang oxygen intake lahat. so malamang lamang lang, fail na naman ang ideya naming yun.
pero nung naisip namin yung huling konsepto para sa reality tv show namin, parang nagka-eureka moment lang kami. light bulb moment kumbaga, at nalaman kaagad namin na papatok sa laht ng viewers ang ideyang yun -- from the masa in squalor to the robed priests in their mighty pulpits.
ganito. parang big brother kuno ang konsepto, tapos dapat mag project ang lahat ng mga minero na malilinis ang kanilang mga budhi. pero, dahil sa ito nga ay drama ng totoong buhay, every week, magvovote out sila ng isang minero na irerescue pagdating ng eviction night. pero para hindi nila iboto sarili nila, dapat ibang tao ang iboboto nila. o di ba astig? at hindi din pwede mag abstain. kebs kasi kami naman ang magpoprodus ng show na to.
so kada week, may marerescue sa capsule, at yung may pinakabalahurang ugali ang matitira sa lunggang yun.
at eto pa ang malupit na ending: kapag yung may pinakamasamang ugali nalang yung natitira dun, ipapabulldoze nalang siya sa ilalim ng lupa, o di kaya'y ibababa ang biggest loser na contestant sa rescue capsule, kasi nga [refer to the citation above].
o diba? sa huli, may reality tv show ka nang sure na sure na papatok sa lahat ng tao, mababawasan pa ng mga masasamang tao ang mundong ito.
whatchoosay?
2 comments:
Pwede ring may pagka-Starstruck... sasayaw at aacting sila habang na-trap...
pwede din. basta, madami talaga ang pwedeng dapat gawin sa kanila, kaya sayang lang at pinalabas kaagad sila. tsk.
Post a Comment